Responsive Ad

Pope Francis sa sakit na pneumonia: ‘I might not make it this time’

Pope Francis sa sakit na pneumonia: 'I might not make it this time'

Pope Francis

MISMONG si Pope Francis na ang nagsabi na mukhang hindi na magtatagal pa ang kanyang buhay dahil sa iniindang karamdaman.

Ito ang dahilan kung bakit ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ng The Vatican ang burol at libing ng 88-anyos na Catholic church leader.

Ayon sa The Vatican tinamaan ng pulmonya si Pope Francis sa kanyang magkabilang baga at pinalala pa ang kanyang kundisyon ng asthmatic bronchitis.

Simula pa noong Valentine’s Day, February 14, nakaratay si Pope Francis sa ospital ng Gemelli, Rome, Italy, at nananatili pa rin sa kumplikadong sitwasyon.

“Laboratory tests, chest X-ray, and the Holy Father’s clinical condition continue to present a complex picture,” ayon sa pahayag ng Vatican.

Baka Bet Mo: Sharon humiling ng dasal para sa nararanasang karamdaman: ‘I am scared’

Base sa mga ulat mula sa iba’t ibang news organization sa ibang bansa, tanggap na raw ni Pope Francis ang kanyang kundisyon kaya nakapagsalita ito sa dalawang taong malapit sa kanya ng, “I might not make it this time” o baka hindi na niya ma-survive ang kanyang karamdaman.

Kung matatandaan, nasabi na ni Pope Francis sa isang panayam na nakahanda na ang paglilibingan sakaling kunin na siya ng Panginoon.

Sabi naman sa isang newspaper report sa Switzerland, ang Blick, isinailalim na sa curfew ang Swiss Guard (nangangalaga sa security ng Santo Papa) bilang bahagi ng paghahanda sa posibleng pamamaalam ni Pope Francis.

Bukod dito, naghahanda na rin ang Vatican para sa gagawin nilang funeral rehearsal.

Sa kabila ng lahat ng ito ay hinihiling pa rin ng Simbahang Katoliko na patuloy na ipagdasal ang kanyang kalusugan at agarang paggaling.

Nagsimula ang panunungkulan ni Pope Francis bilang pinuno ng Simbahang Katoliko at Vatican City State noong March 13, 2013.

Base sa kasaysayan, si Pope Francis ang ikatlo sa mga Santo Papa na bumisita sa Pilipinas (January 15 to January 19, 2015: ang una ay si Pope Paul VI noong 1970, sinundan ni Pope John Paul II na dalawang beses dumalaw sa bansa (1981 at 1995).

Isa sa mga binisita niya ay ang Tacloban, Leyte, na sinalanta ng Bagyong Yolanda (2013). Doon, nakasama niyang nananghalian ang mga naka-survive sa mapaminsalang bagyo.

 

The post Pope Francis sa sakit na pneumonia: ‘I might not make it this time’ appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments