Responsive Ad

Frenchie Dy inatake ng Bell’s Palsy: ‘Third ko na ‘to…Kaloka!’

Frenchie Dy inatake ng Bell’s Palsy: ‘Third ko na ‘to…Kaloka!’

PHOTO: Facebook/Frenchie Dy

KASALUKUYANG nagpapagaling ang vocal powerhouse na si Frenchie Dy matapos ma-diagnose ng Bell’s Palsy.

Nag-search kami sa internet kung ano ang nasabing sakit at nabasa namin sa ilang health website na ang Bell’s Palsy ay isang kondisyon kung saan biglang nanghihina o napaparalisa ang mga kalamnan sa isang bahagi ng mukha. 

Karaniwan itong sanhi ng pamamaga o impeksyon ng facial nerve (Cranial Nerve VII) na responsable sa pagkontrol ng mga galaw ng mukha, tulad ng pagngiti, pagkurap ng mata, at paggalaw ng labi.

Karamihan ng kaso ng Bell’s Palsy ay pansamantala at bumubuti sa loob ng ilang linggo hanggang buwan. 

Baka Bet Mo: Angelu de Leon umaming inaatake pa rin ng Bell’s palsy: But it doesn’t bother me anymore

Sa ibang pagkakataon, maaaring magtagal ito o mag-iwan ng bahagyang pinsala sa mukha.

Anyway, ibinandera ni Frenchie ang ilang short videos sa Facebook at doon niya ibinunyag na ito na ang ikatlong beses na nangyari sa kanya.

Mapapanood din na halatang-halata na nakatabingi ang kabilang side ng kanyang mukha, lalo na ang bibig.

“Third Bell’s Palsy attack. Kakaloka!” bungad niya sa unang video noong February 4.

Kwento niya, “Yesterday (Feb. 3), habang nagla-lunch kami ni hubby, naramdaman ko na iba na ‘yung panlasa ko…And then after, mga one o’clock, ‘nung umiinom ako ng tubig, naramdaman ko na tumutulo na ‘yung water. So sabi ko, shocks Bell’s Palsy nanaman, pangatlo attack.”

Dahil daw diyan ay agad siyang nagpunta sa ospital upang magpa-checkup at kumpirmahin kung ito nga ay Bell’s Palsy.

Sa sumunod at karugtong na FB video, naging emosyonal at umiiyak ang singer, pero tiniyak na lalabanan pa rin niya ang sakit.

“Medyo naiiyak ako kasi pinanghinaan ako ng loob,” sey niya.

Patuloy pa niya, “Pero I know na maraming nagpe-pray for me…Nandiyan ang asawa ko, nandiyan ‘yung mga anak ko, my friends. Lahat ng sumusuporta sakin, nandiyan. So kaya ko ‘to. Laban lang.”

Kasunod niyan ay ipinakita niya ang napakaraming medication na nireseta sa kanya ng doktor, kabilang na riyan ang Vitamin B Complex, steroids, at painkillers.

Sinabi rin ni Frenchie na sasailalim pa siya sa ilang tests: “Kasi gusto rin malaman ng doktor kung bakit pabalik-balik ‘yung Bell’s [Palsy] ko eh pangatlo na ‘to.”

Chika ni Frenchie, una siyang nagkaroon ng Bell’s Palsy ‘nung grade 5 pa lamang siya.

Sumunod raw ay noong 2006 –dalawang taon matapos ang pagkapanalo niya sa “Star in a Million.”

At heto, makalipas ang halos dalawang dekada ay bumalik ang kanyang kondisyon.

“So after 19 years, eto na naman siya. Nakakaloka kasi yung dila ko—iba ang lasa. Yung kanan na dila ko, walang lasa, yung kaliwa may lasa. So ang weird talaga,” saad niya.

Para sa mga hindi aware, si Frenchie ay winner ng ABS-CBN singing competition na “Star in a Million” noong 2004 kung saan natalo niya ang ilang grand finalists na sina OJ Mariano at Nyco Maca.

The post Frenchie Dy inatake ng Bell’s Palsy: ‘Third ko na ‘to…Kaloka!’ appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments