Netizen awang-awa sa GF na inaabuso ng pamilya, uutang pa para sa patay

Stock Image
BAD trip ang isang lalaking Facebook user sa pamilya ng kanyang girlfriend dahil feeling niya ay naaabuso na ito nang bonggang-bongga!
Pati raw kasi ang mga gagastusin sa paghahanda para sa “lungkasan” ng yumaong ina ng kanyang kasintahan ay ito ang kailangang sumagot.
Para sa mga hindi pa aware, ang “lungkasan” o babang-luksa ay isang kaugalian o tradisyon ng mga Filipino kung saan ginugunita at ipinagdarasal ang yumaong kamag-anak sa ika-1 taong anibersaryo ng kanyang pagkamatay.
Nag-post ang lalaking netizen sa FB page na Peso Sense at naglabas nga ng sama ng loob sa pamilya ng kanyang girlfriend.
“May GF ako and malapit na mag isang taong patay yong mother niya, diba dito sa Pilipinas pagka one year nang patay may LUNGKASAN na tinatawag, and yong Jowa ko naisstress sa gastos.
Baka Bet Mo: Sharon iritable sa medical lab na naging dahilan kaya hindi natuloy sa JoKoy movie
“Sabi daw ng father niya sa kanya dapat dalawang sahod daw niya yong i-ambag para may maipakain sa mga bisita.
“Yong Jowa ko lahat ng expenses sa bahay sa kaniya kuryente, pagkain at gasul. By the way 3 lang sila sa bahay, yong father niya at kuya niyang tamad. Yong mga panganay niyang kapatid may mga sari-sarili nang pamilya,” ang simula ng letter ng guy.
Pagpapatuloy niya, “Ngayon, sabi ko sa kanya kung ano lang yong kaya mo, yon yong IBIGAY mo, kase maiintindihan naman nila na ganon lang ang kaya mo kasi lahat naman ng ginagastos sa bahay ay sayo, Ika ko pa gagastos kayo at maghahanda ng ganon tapos ano?
“Anong mangyayare kinabukasan? nakanganga kayo, balak mo pang ipangutang edi ikaw pa nagkaproblema?
“Nai stress ako kase nagpapaka stress siya sa ganyan, anong magagawa naman ng father niya or mga kapatid niya kung ganon lang yong kaya niya e, since magka work naman siya, halos magastos niya lahat para sa pagkain at gastusin sa bahay nila,” lahad pa ng dyowa ni Ate Girl.
Halos wala na nga raw natitira sa kanyang dyowa kapag sumusuweldo dahil halos lahat ay napupunta sa pamilya niya.
“Wala na ngang maipon siya, tapos mga kapatid niyang may sariling pamilya ni hindi manlang siya tulungan sa gastusin sa bahay kesihodang may sari-sarili na silang pamilya e, ang siste ba e dapat siya na lang lahat?
“Minimum wage earner lang din naman siya, ni hindi na nga nag D-day off yong tao e, tapos tumatanda na siya at wala pa rin kaipon-ipon.
“Ako na naaawa sa kanya pero naiinis din sa kanya at the same time kasi hindi siya mangatwiran na yon lang kaya niyang ibigay, willing na willing talaga siya umutang.
“Kapag magbibigay siya para don lahat ng sahod niya ngayon mauubos at wala siya gagastusin habang nag-iintay ng sahod pa ulit.
“Siya pa galit sa akin dahil sinasabihan ko. Ang sakit nila sa brain. Pero sa huli alam ko, wala pa rin ako magagawa kahit pag sabihan ko siya pa rin yong magagalit, sa huli yong gusto niya pa rin masusunod. Bahala yan siya.
“Bakit kasi uso pa ang bonggang handa sa LUNGKASAN? haysss!” ang buong liham ni Kuya.
Pasok mga ka-BANDERA! Ano sa tingin n’yo ang dapat gawin ng magdyowa para sa ikatatahimik ng kanilang buhay at relasyon sa gitna ng pagtulong ni Ate Girl sa kanyang family? Gow! Comment na kayo!
The post Netizen awang-awa sa GF na inaabuso ng pamilya, uutang pa para sa patay appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments