‘Batang Quiapo’ record-breaking ang online views; MTRCB nag-Korea para sa digital media forum

McCoy de Leon, Coco Martin; MTRCB Chair Lala Sotto
NAPANOOD namin ang eksena sa “FPJ’s Batang Quiapo” na natigalgal si McCoy de Leon bilang si David nang magkita sila sa pasugalang pag-aari ni Tanggol played by Coco Martin nitong Miyerkules, February 19.
Nalaman na kasi ni Coco bilang Tanggol na ninakaw ni McCoy na gumaganap bilang si David ang kanyang pagkatao dahil nagpanggap itong siya si Hesus Nazareno Montenegro.
Bugbog sarado si McCoy (David) sa kuya niya pero nakatakas siya kaya nakapagsumbong ito sa kanyang amang si John Estrada sa karakrer na Rigor.
Sadyang inabangan ito ng mga tagasubaybay ng “Batang Quiapo” ang mga susunod na eksena nina Tanggol at David kaya nakapagtala ng back-to-back episodes ang record-breaking online views na umabot sa 852,417 peak concurrent views o sabay-sabay na nanonood nang live sa Kapamilya Online Live sa YouTube nu’ng February 19.
Baka Bet Mo: Barbie Imperial astig sa ‘Batang Quiapo’, ready sumabak sa action scenes
Sa harapan mismo ng pinaka-iniidolong tatay ni David (McCoy) na si Rigor (John) ay walang prenong ibinulgar ni Marites (Cherry Pie Picache) ang lahat ng panlolokong ginawa ng anak nilang mag-asawa bilang pekeng Tanggol (Coco) upang maangkin ang buong kayamanan ng mga Montenegro.
Ang eksenang bugbog sarado si David kay Tanggol ay umabot sa 818,949 peak concurrent views at iisa ang komento ng mga nakapanood, kinarma na ang una.
Ang maaaksyong tagpo ng mag-amang Tanggol at Ramon (Christopher De Leon) ay nangyari na sa episode nitong Huwebes, February 20, na pinigil sila ni Marites (Cherry Pie) at sinabing mag-ama silang dalawa kaya naman tumigil na sila.
At siyempre, cliff hanger na naman dahil pinutol na sa tagpong ito at abangan ngayong Biyernes, February 21, kung paano magbabati ang mag-ama na punumpuno ng galit sa isa’t isa dahil kina Rigor (John) at David (McCoy).
Nagkita na ang mag-ama kaya magkasangga na silang tugisin si Rigor (John,) ang tanong matutuluyan na kayang mawala sa Batang Quiapo ang aktor?
***
MTRCB nirepresenta ang Pilipinas sa Annual Asia Digital Communications and Media Forum na ginanap sa Seoul, South Korea.
Mula sa naging imbitasyon ng International Institute of Communications (IIC), pinangunahan ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio ang delegasyon ng Pilipinas sa Annual Asia Digital Communications and Media Forum 2025 nitong February 11-12, 2025.
Kasama ni Chairperson Sotto-Antonio sina Board Members Maria Carmen Musngi, Katrina Angela Ebarle, at Legal Affairs Division Chief, Atty. Anna Farinah Mindalano.
Ang naturang pagtitipon ay nagdala sa iba’t ibang grupo, organisasyon, at mga industriya na makapag-usap hinggil sa patuloy na paglawak ng digital media landscape sa mundo.
“Bilang ahensya na may mandato pagdating sa pagbibigay ng angkop na klasipikasyon sa mga pelikula at programa sa telebisyon sa Pilipinas, naiintindihan namin ang importansya na makasabay sa mabilis na pagbabago sa porma ng media,” sey ni Chairperson Sotto-Antonio.
Binigyan-diin nito ang kahalagahan na matutunan din ang ginagawang hakbang ng ilang kapwa regulators sa mundo at ang pakikipag-ugnayan sa kanila.
Ang partisipasyon ng Board ay nagpapatunay sa pangako nitong matiyak ang isang ligtas, inklusibo, at responsableng paggamit ng media ng pamilya at kabataang Pilipino.
Bilang resulta, nais ni Chairperson Lala na ipatupad ang mga sumusunod na inisyatibo:
Information Dissemination Campaign sa pakikipagtulungan sa IIC at mga stakeholders sa pagsusulong ng “Responsableng Panonood” sa bawat tahanan.
Pagpapatibay at pagpapalakas ng pakikipag-ugnayan at kolaborasyon sa mga content creators at film producers na makibahagi sa compliance workshops upang maiangat ang mga pampamilyang programa.
Posibleng pakikipagtulungan sa IIC pagdating sa mga pinaka-epektibong paraan sa regulasyon, content moderation, at pagbibigay ng angkop na klasipikasyon.
“Sa ating mga stakeholders, tinitiyak namin na kami sa MTRCB ay patuloy sa pagbuo ng mga polisiya na magsusulong sa responsableng panonood at paglikha para sa kapakanan ng mga manonood partikular ang mga kabataan laban sa mga mapaminsalang palabas,” pahayag ni Chairperson Lala.
The post ‘Batang Quiapo’ record-breaking ang online views; MTRCB nag-Korea para sa digital media forum appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments