Camille Prats nagbalik sa ABS-CBN: Literally a place I call home!
MATAPOS ang dalawang dekada ay muling nakatapak sa ABS-CBN compound ang Kapuso actress na si Camille Prats.
Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi ng celebrity mom ang isang reel habang siya ay nasa Kapamilya network para sa kanyang guesting sa noontime program na “It’s Showtime”.
“Back in @abscbn after 20 long years [emoji] literally a place I call home where so many beautiful memories were made,” caption ni Camille sa kanyang post.
Mapapanood sa naturang reels ang pag-tour niya sa dating studio kung saan sila nagte-taping ng programang “Oki Doki doc”, “Kaybol: Ang Bagong TV”, at “Home Along Da Airport”.
Baka Bet Mo: Camille Prats, Suzi Entrata-Abrera sang-ayon ba sa ‘divorce’ sa Pilipinas?
Ipinakita rin ni Camille ang dressing room kung saan siya madalas manatili noon.
“So many beautiful childhood memories,” dagdag pa niya.
Nagpunta si Camille sa ABS-CBN para mag-promote ng kanilang bagong teleserye na “Mommy Dearest” kasama ang kapwa aktres nasi Katrina Halili.
Maaari na rin kasing mag-promote sa “It’s Showtime” ng mga Kapuso shows dahil napapanood na ito sa GMA.
Umani naman ng samu’t saring komento mula sa madlang pipol ang pagbabalik ni Camille sa ABS-CBN.
“Princess Sarah visiting her former ‘palace’. Nice to see you again inside ABS-CBN compound even just for few hours. Malaking bahagi ng kabataan naming mga batang 90s ang mga pelikula at shows na ginawa mo noon sa ABS,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Camille, I’ve been your fan since the Princess Sarah days. I’m happy that you get to visit where it all started.”
“Flashbacks of admiring you as Princess Sarah and cutie in OkidokiDok![emojis] Aww,” sey naman ni Jen Sevilla.
Matatandaang noong 2005 nang lumipat si Camille sa GMA Network at hanggang ngayon ay patuloy pa rin itong parte ng Sparkle GMA Artist Center.
The post Camille Prats nagbalik sa ABS-CBN: Literally a place I call home! appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments