
Stock image
NAKA-EXPERIENCE na ba kayo mga ka-BANDERA na makalipas lamang ang ilang araw sa pinasukan n’yong trabaho ay parang tamad na tamad na kayong pumasok?
Yun bang feeling n’yo, hindi kayo nag-eenjoy sa ginagawa n’yo at parang may hinahanap kayong “something” na magpapasaya at magbibigay sa inyo ng motivation para mas maging masipag sa trabaho.
Iyan ang problema ng isang netizen na nagbahagi ng kanyang sulat sa Facebook page na Peso Sense kung saan ni-reveal niya na dalawang araw pa lang siya sa pinapasukang trabaho ay parang gusto na niyang mag-resign.
First day pa lang daw niya sa pinasukang trabaho ay naramdaman na niyang hindi ito para sa kanya kaya nagkaroon siya ng katanungan sa sarili kung ipagpapatuloy pa niya ito.
“Hi everyone. Can I have some piece of your advice? Kakastart ko palang po kasi sa work at gusto ko ng umalis. Hindi dahil sa toxic or mahirap. Pero hindi po ako masaya dito,” ang simulang pagbabahagi ng letter sender.
Baka Bet Mo: Vlogger humugot: Hindi lahat ng nagtatrabaho may pera at malaki ang ipon
Pagpapatuloy niya, “Hindi ko makita ang sarili ko sa field na ito. Iniwan ko po yung trabaho ko na tinuring ko naring pangalawang tahanan dahil sa kagustuhang lumaki pa ang sahod.
“Meron po kasi akong mga utang na binabayaran na hindi kayang tustusan ng sahod sa dati kong trabaho.
“Unang araw ko palang, naramdaman ko ng hindi ako para dito. They’re nice naman, not rude. But the company culture talaga, hindi compatible sa akin.
“Second day, hirap na akong makabangon sa higaan dahil hindi ako namomotivate, ending na-late ako ng 30mins. Hindi ito yung field kung saan mag-excel ako.
“Hindi ako magaling dito. Lumipat lang ako dito dahil masmalaki ang sahod. Ayoko ng ganitong nagmumukhang pera ako.
“Hindi ko kayang mahalin tong career na ito. Nagiging balisa na ko lately, sobrang lungkot. Di makatulog, drained na drained. Gusto ko ng bumalik sa dating work ko or lumipat nalang sa career path na gusto ko,” aniya pa.
Malayung-malayo rin daw sa present work niya ang natapos niyang course sa college.
“Yung kursong natapos ko, malayong malayo dito. I’m thinking of looking for a new job before resigning?
“Since wala pa naman po ako pinipirmahang kontrata. What do you think po?” ang buong FB post ng netizen.
Narito naman ang ilang reaksyon ng mga netizens na nakabasa sa kanyang sulat.
“Magtiis ka nalang muna kesa sa wala. Kami nga may pasok kahit holiday, tinawag pang special.”
“Isipin mo nalang yung reason mo kung bakit ka lumipat dyan, as your motivation. Mindset din minsan. Pero kung di talaga kaya, rest na lang muna, tsaka mo na isipin kung saan kukuha ng pambabayad sa mga utang.”
“I worked for more than 5yrs na ganito yung feeling sender sa isang company. Ok naman dun pero hindi ko din makita sarili ko na mag stay longer dahil iba din yung linya sa buhay na gusto ko. Andaming frustration halos daily and hindi ka ganado, pero breadwinner ako eh, and nung napagtapos ko na lahat na younger siblings ko sa kolehiyo, I immediately resigned. Now, I have been running a small business I am passionate with. Conclusion: Minsan kailangan mong gawin ang mga bagay na hindi mo gusto dahil alam mong makakatulong ito sa sitwasyon mo, sakripisyo ang tawag dun. Oras na ma stabilize mo na ang situation mo, then that’s the time na piliin mo naman sarili mo.”
“2 days pa lang, try nyo po muna 1 week or 1 month baka magbago. Or motivate yourself. Lahat naman ng bagay, napag-aaralan. ganyan din ako nung bagong pasok ako sa public school, shookt sa behavior ng mga bata and work environment din, kaya everyday akong umiiyak pag uwi. Isang linggo yun straight. 2nd day pa lang gusto ko na magresign pero kinaya naman. And look at me now, turning 8 years na dito. Lately sinasabi ko, magreresign na ko, mukang kabaligtaran mangyayari hahaha baka dito na ko magretire.”
“Isipin mo yun utang na dapt matapos mabayaran. konting tiis at imotivate ang sarili. hirap maghanap ng work nowadays. yun ang gawing mong motivation. ilang days ka pa lang naman sa work eh nasa adjustment period ka pa. Pag di mo talaga keri alis ka pero later on marrealize mo yun pag alis sa work pag di mo na alam pano babayaran un mga pending bills mo. Be grateful for having a job with makatarungan salary.”
“New job new environment new system new para sayo lahat, dahil hindi yan same ng old company/work mo. Wag nyo po hanapin ung nakasanayan mo sa old work/place mo. Challenge yourself na lang po sa bagong work nyo. Mag move on po kayo from the past work/company.”
“Dapat nagfile ka muna ng indefinite leave sa previous company mo,then during your training period/onboarding sa new work mo, nakiramdam ka if this field is for you or not..Test the waters before you jump in ikanga.”
“Never treat your work as your second home kasi at the end of everything, work is just a money source not your source of happiness. Learn to separate your work from your personal life. After all, they are not paying you to be so emotionally invested to your work, they are just paying you to do your job.”
The post Netizen 2 araw pa lang sa bagong work gusto nang mag-resign, tama ba yarn? appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments