Responsive Ad

Regine ininda ang matinding back pain bago ang concert: Lakas makamatanda!

Regine ininda ang matinding back pain bago ang concert: Lakas makamatanda!

PHOTO: Facebook/Regine Velasquez-Alcasid

KAHIT si Asia’s Songbird Regine Velasquez, hindi nakaligtas sa tinatawag na “signs of aging.”

Katulad ng nangyari sa kanya recently na nakaramdam siya ng intense back pain habang nagre-rehearse para sa upcoming concert niya ngayong Sabado, February 22.

Sa isang post sa X (dating Twitter), ikinuwento ni Regine na nakaupo lang siya magdamag mula nu’ng naghihintay siya sa dressing room hanggang sa magsimula na ang run-through niya.

“While I sing some of the songs in the middle of one song I decided to stand up kasi medyo sumakit na ‘yung likod ko dahan-dahan pa ko tapos bigla na lang extreme pain that I was having a hard time standing up. Like I can’t barely walk pero hindi ko na lang pinapahalata,” chika niya.

Baka Bet Mo: Regine hindi kinakaya ang ‘migraine’, inuuntog at nilulubog sa tubig ang ulo

Ayon kay Regine, kahit sinusubukan niyang itago ang sakit, halata pa rin ito kaya’t uminom siya ng gamot.

Kasunod niyan, ibinahagi rin niya kung gaano kasakit ang kanyang naramdaman matapos ang ensayo.

“Gosh the car ride was excruciating [crying emoji] got home took meds again and hot compress. Was not able to sleep properly coz it was just too painful hay. Took some meds again parang ngayon pa lang tumalab,” sambit niya.

Sa kabila ng matinding sakit, sinigurado ng Songbird na mas maayos na ang kanyang pakiramdam ngayon.

“I’m ok now it’s still painful but not as painful. Buti na lang malayo sa lalamunan [laughing emoji],” pabirong saad ni Regine.

Humiling din siya ng dasal sa fans: “Please pray for me kasi normally when I’m standing with [heels] on, that’s when my back would hurt.”

“Lakas makamatanda!!!!!!!! [laughing emoji],” dagdag pa niya, kalakip ang hashtag na “old people problem.”

Ang huling araw ng RESET concert series ni Regine ay gaganapin na ngayong araw, February 22 sa Samsung Performing Arts Theater, Circuit Makati.

The post Regine ininda ang matinding back pain bago ang concert: Lakas makamatanda! appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments