Responsive Ad

Kasambahay ni Ellen Adarna ipinagtanggol si Pernilla Sjoo

Kasambahay ni Ellen Adarna ipinagtanggol si Pernilla Sjoo

MAGING ang kasambahay ni Ellen Adarna na si Jessa Mucho ay nagsalita na rin oara ipagtanggol ang Siargao-based Swedish marine photographer na si Pernilla Sjöo.

Sa pamamagitan ng isang Instagram story ay ibinahagi ni Jessa ang kanyang saloobin ukol sa isyung Andi-Philmar na kinasasangkutan rin ni Prenilla.

“Dyan lang talaga kayo nag-focus. Wala lang kayo sa beauty ni Pern in person. Idk anong nangyari sa picture pero jusko mga animal! Basta maka-content na lang talaga,” saad ng kasambahay ni Jessa.

Pagpapatuloy pa niya, “Walang kasalanan si Pern, sinabihan na kayo na walang cheating, diba?”

Baka Bet Mo: Ellen Adarna pinag-iingat kay Pernilla Sjöo, pumalag: Dili ko selosa

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Chika pa ng kasambahay ni Ellen, mayroon rin daw sariling nobyo si Pernilla at isa rin itong bisaya.

“Mabait lang talaga si Pern, very sweet and loving siya,” dagdag pa niya.

Mas pinili na lang daw ni Pernilla na manahimik at i-deactivate ang kanyang social media accounts para hindi na lang daw lumalala ang isyung kinakasangkutan niya.

Dagdag pa ng kasambahay ni Ellen, “Mas Pinoy pa ang puso at isip ni Pern, mas nakakaintindi pa siya kesa sa atin.”

Samantala, ayon sa latest update ni Philmar ay maayos na sila ng kanyang partner na si Andi Eigenmann.

The post Kasambahay ni Ellen Adarna ipinagtanggol si Pernilla Sjoo appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments