Kim dati nang sinusubaybayan si Paulo: ‘Pinapanood kita sa Starstruck!’

PHOTO: Screengrab from Instagram/@chinitaprincess
ANG tindi ng hiyawan ng supporters nina Kim Chiu at Paulo Avelino matapos aminin ng aktres na pinapanood niya ang aktor noong contestant pa lang ito sa reality show ng GMA 7 na “Starstruck” at kabilang ito sa batch 4.
Natanong kasi ang KimPau sa mediacon ng pelikula nilang “My Love Will Make You Disappear” kung sumagi sa isip nila na magiging close sila pagkatapos nilang makatrabaho ang isa’t-isa sa una nilang proyekto sa seryeng “Linlang” noong 2023 na sinundan last year ng Philippine adaptation ngK-drama na “What’s Wrong With Secretary Kim.”
“Hindi ko nga alam na makakatrabaho ko ‘to (sabay lingon kay Paulo) sa 18 years ko sa industry. Kelan ba tayo nagka-[trabaho]? Pang 16th year sa pagiging artista. ‘Di ba sabay tayong nagsimula (tanong kay Paulo) mas matanda ka lang sa akin,” tanong ng aktres sa aktor.
Ganting sagot naman ni Pau, “High school palang pinapanood na kita sa (Pinoy Big Brother).”
Baka Bet Mo: Katrina Halili ‘never’ pinangarap na maging artista: Kasi mahiyain ako…
Hirit ni Kim, “Uy hindi ha, pinapanood kita sa Starstruck (2006-2007) sumasayaw ka pa nga.”
“So, pinapanood mo na ako ng mga panahong ‘yun?” nakangiting tanong ni Paulo kay Kim.
“Actually, bumoto ako, ha, ha (natawa rin si Pau),” halakhak na sabi ni Kim maging ang mga kasama niya ay nagtawanan din pati si Direk Chad Vidanes.
“Nawala ako,” sambit ni Paulo.
“Nawala rin ako, ha, ha, ha mag-disappear na tayo,” aya ng aktres sa ka-loveteam kaya hiyawan na naman ang supporters.
At ang sagot ni Paulo kung close na nga ba talaga sila ni Kim, “I would say yes sa rami ng projects (ikatlong beses nagkatrabaho). But I never did, I never expected me to actually hindi ko alam na makakatrabaho ko si Kim.”
Dagdag pa, “But I wanted to work with her pero hindi ko ini-expect kasi parang after a while nag-iba na rin ang tahak at marami akong gustong gawin at hindi ko alam na kay Kim pala ang bagsak ko (sabay titig sa dalaga).”
Kinilig naman to the max si Kim na hindi na alam ang sasabihin kundi showing na ang “My Love Will Make You Disappear” sa March 26.
Aminado ang dalawa na sa una nilang pagsasama sa seryeng “Linlang” ay naiilang sila sa isa’t-isa pero ngayon ay sadyang close na dahil mega-hampas na nila ang isa’t-isa.
Anyway, ibinase ang kwento ng “My Love Will Make You Disappear” sa kaibigan ng direktor-writer na si Prime Cruz na nag-iinuman daw sila dahil nasawi sa pag-ibig ang close friend niya.
Mapapanood na sa March 26 ang pelikula mula sa direksyon ni Chad Vidanes produced ng ABS-CBN Studios at Star Cinema.
The post Kim dati nang sinusubaybayan si Paulo: ‘Pinapanood kita sa Starstruck!’ appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments