Responsive Ad

14-anyos na estudyante ginilitan ng ex-boyfriend matapos makipaghiwalay

14-anyos na estudyante ginilitan ng ex-boyfriend matapos makipaghiwalay

Photos: Screenshots from State of the Nation

LASLAS ang leeg ng isang 14-anyos na estudyante matapos umanong saktan ng kanyang dating boyfriend sa isang lugar sa Barangay Mabolo, Cebu City.

Ayon sa ulat, sugatan ang Grade 8 na biktima matapos gilitan ng kanyang 18-anyos na kasintahan nang magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan.

Base sa ulat ng “State of the Nation” sa GTV, nakipaghiwalay na raw ang biktima sa suspek na isa namang Grade 10 student, na siyang naging dahilan ng pananakit sa dalagita.

Sa isang abandonadong CR ng paaralan dinala umano ng suspek ang biktima kung saan niya ito umano pinagsasaksak gamit ang dalang kutsilyo.

Baka Bet Mo: Estudyante nanapak ng propesor habang ginaganap ang graduation

Natagpuan ang biktika sa loob ng naturang CR ng kanyang pinsan na agad humingi ng tulong sa kanilang mga guro. Agad na isinugod sa ospital ang duguang estudyante.

Sabi pa sa report, hindi bababa sa apat na sugat sa leeg at ilang pasa sa likod ang natamo ng biktima mula sa pananakit ng kanyang boyfriend.

Nadakip naman ang suspek sa isinagawamg follow-up na operation ng mga operatiba ng Mabolo Police kasabay ng pagsasampa sa kanya ng kasong frustrated homicide.

Nagsagawa na rin umano ng intervention program sa mga estudyante ang mga kinauukulan matapos ang nangyaring insidente. Nagpapagaling pa ang dalagita sa ospital.

May mga ulat naman na posible raw nagalit ang suspek matapos umanong tumanggi ang biktima sa nais nitong mangyari sa kanila.

The post 14-anyos na estudyante ginilitan ng ex-boyfriend matapos makipaghiwalay appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments