Responsive Ad

Hotel employee praning sa GF na doktor: Hindi siya nagagalit, love ba yun?

Hotel employee praning sa GF na doktor: Hindi siya nagagalit, love ba yun?

Stock image

MGA ka-BANDERA, humihingi ng advice ang empleyado sa isang hotel na nagtatanong kung mahal ba siya talaga ng kanyang dyowang doktor.

Feeling daw kasi niya sa halos isang taon nilang relasyon ay hindi siya totoong love ng kanyang girlfriend dahil hindi niya ito masyadong nararamdaman.

Nagbahagi ang male hotel employee ng kanyang love problem sa publiko sa pamamagitan ng Facebook page na Peso Sense kung saan inisa-isa niya ang isyu niya sa partner na doktora.

“Hi hello sa lahat. Haha natatawa ako sa sarili ko na mag popost ako dito pero hingi lang ako opinyon nyo. Sa tingin nyo mahal kaya talaga ako ng gf ko?

Baka Bet Mo: Neri Miranda ipinagdarasal ng netizens na makalabas na ng kulungan

“I’m M26 nga pala I work sa isang hotel while she’s F29 doctor siya in residency training,” simulang pagbabahagi ng letter sender.

Pagpapatuloy pa niya, “Napansin ko kasi sa 10 months namin normal kaya na medyo parang wala syang pakialam masyado sakin alam ko busy sya pero ibang level ng walang pakialam na parang minsan napapatanong ako kung maturity kaya to o hindi nya ko mahal?

“Example: Magre-reply lang sya sa good morning ko pag nasa ospital na sya tapos saglit na usap lang yun. Then sa gabi saglit na usap lang din.

“Nagkikita kami once a week or pag pumapayag sya na puntahan ko sya sa condo nya or sa ospital pero kumakain lang kami saglit.

“Tapos kahit anong sabihin ko hindi sya nagagalit. Hindi kami nag aaway. Hindi sya tinotoyo. Palagi syang naka smile sakin tapos sagot lang, ‘That’s good to hear’. ‘Did you have fun?’ ‘Good job ka dun I admire you for that.’

“Hindi naman ako naghahanap ng away o ano. Siguro hindi ko lang din mapigilan minsan ikumpara sa mga naging ex ko na talagang invested/interested sa lahat ng aspeto ng buhay ko at pag may mali ako talagang ivo-voice out nila sakin,” ang bahagi pa ng kanyang letter.

Dagdag pang rebelasyon ng anonymous sender, “Yung gf ko ngayon kahit nakita nya na may mga naka inuman akong babae natatawa lang sya sasabihin pa sakin ‘Gaganda naman ng friends mo. I hope to meet them soon.’

“Minsan sinubukan ko sya hindi ako nagparamdam isang buong araw, kinabukasan na ko nagchat pero pag chat ko next day PARANG WALANG MALI. NI HINDI NYA KO TINANONG ASAN AKO BUONG ARAW KAHAPON.

“Sinasabi nya naman lagi na mahal nya ko, lagi din ako hinahaplos niyayakap pag magkasama kami, minsan nagbibigay pa ng mga regalo, last time watch na maganda, may quality time din kami at maalaga sya sakin pag magkasama kami.

“Pero ayun talaga pag hindi parang out of sight out of mind ako sa kanya.

“Nababaliw na ko kakaisip. Hindi ko rin ma open sa kanya kung bakit ganun sya kasi baka isipin nya weak ako.

“Suspicious ba yun? Sa tingin nyo mahal nya talaga ako?” ang kabuuang laman ng liham ng hotel employee.

So, mga ka-BANDERA, ano’ng maibibigay n’yong payo kay kuyang problemado sa lovelife? Praning lang ba siya o talagang hindi siya love ng dyowa niyang doktora?

The post Hotel employee praning sa GF na doktor: Hindi siya nagagalit, love ba yun? appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments