Responsive Ad

Jellie Aw inokray matapos mabugbog, kinarma raw sa pang-ookray kay Karla

Jellie Aw inokray matapos mabugbog, kinarma raw sa pang-ookray kay Karla

Jam Ignacio, Karla Estrada at Jellie Aw

SA halip na kampihan at kaawaan, ilang netizens ang bumatikos at nang-okray sa DJ-vlogger na si Jellie Aw matapos umanong bugbugin ng fiancé niyang si Jam Ignacio.

Sa Facebook page ng BANDERA, sandamakmak na reaksyon ang nabasa namin sa comment section ng artikulo tungkol sa umano’y pananakit ni Jam kay Jellie habang sila’y nasa loob ng sasakyan.

Ito’y base sa ipinost ng kapatid ni Jellie sa Facebook kalakip ang mga litrato ng DJ na duguan ang mukha at basag ang bibig matapos daw bugbugin ni Jam. Wala siyang binanggit na mga detalye tungkol sa pangyayari.

Nagpa-medical na raw si Jellie para magamit sa pagsasampa ng kaukulang kaso laban kay Jam. Nagbanta pa si Jellie sa kanyang social media post na talagang ipapakulong niya ang fiancé.

Ang caption ni Jellie sa kanyang FB post, “HAPPY VALENTINES? taena mo Jam Ignacio mapapatay mo ko wala akong ginawang masama para ganituhin moko. Halos mamatay ako sa ginawa mo! papakulong kita!”

Maraming nagtanggol at nakisimpatya kay Jellie dahil sa kanyang sinapit, pero meron ding tila masaya pa sa nangyari sa dalaga. Ikinonek pa nila ang isyu sa ex-partner ni Jam na si Karla Estrada.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Iyan daw ang napapala at karma niya sa paninita sa TV host-actress kamakailan. Kasunod nito, nagbardagulan naman ang ilang netizens hinggil sa iskandalo. Narito ang mga komento nila.
“BUTI NALANG HINDI NANGYARI GANYAN KAY KARLA SWERTE PA RIN SI KARLA ESTRADA PINAGPALIT LANG SYA HINDI BIN*GB.”

“Ay ganon after mong laitin si Karla? Na kay Karla pala ang huling halakhak.”

“Yung story ng Jellie Aw pinagttawanan pa nila c carla. Ayun ilang hours after abugbog na cya.”

“Sakto lng yan kuha m na panlalait kay karla.”

“Is this not punishable by law as domestic violence? What kind of man have the nerve to do this no matter what reasons he have? Anong lakas ng babaeng magtamo ng ganoong karahasan.ginawang ‘punching bag’? How CRUEL could he been?”

“D nmn dapat magdiwang sa pait ng kapalaran ng iba.”

“I don’t see anything funny here, ung mga comment nyo ayusin nyo nmn kahit anu pa dahilan kesyo 3rd party xa kaya nghwalay cla ni Carla, still doesn’t deserved ung gnyan pambubugbog sknya. Babae prin yang nabugbog. Mga tao nga naman.”

“Kasabihan, ‘minsan ka lang pagbuhatan ng kamay ng kasama mo, ulit-ulit yang gagawin sayo’. May mga taong magaan ang kamay manakit. Kilalaning mabuti ang makakasama sa buhay nang di ito pagsisihan sa huli.”

“Huwag kasi dapat laitin yong wala naman ginagawa kazi di yan tatalab sa iniinsulto mo kong wala naman ginagawa babalik at babalik yan aral na yan dapat my respeto sa bawat isa at grabe yan lalaki na yan kahit ano sabihin babae pq din yan sumubra pananakit nya gawain pa ba yan ng  matinong lalaki.”

“It’s prank. asar pa more kay miss karla  girl aga mo kinarma hayyy buhay nga nman.”

“Naku po..kya mabuti naghiwalay na sila ni Karla nambubugbog pla yan jusmiyo.”

“Matapus ng bugbugan at dimandahan at pahiyaan sa publiko mag kaayus din at mag babalikan hayss sakit na yan ng karamihan mga Pinoy.”

“Kilalanin mabuti Ang taong mamahalin at pagkktiwalaan. Mas masakit s huli Ang pagsisi.”

The post Jellie Aw inokray matapos mabugbog, kinarma raw sa pang-ookray kay Karla appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments