Responsive Ad

Chito Francisco may parinig kay Alex Calleja, ninakawan raw ng joke?

Chito Francisco may parinig kay Alex Calleja, ninakawan raw ng joke?

USAP-USAPAN ngayon sa social media ang tila patutsada ng comedy writer na si Chito Francisco sa stand-up comedian at writer ring si Alex Calleja.

Ito ay may kinalaman sa isang joke na patungkol sa carwash na ginamit ni Alex sa kanyang “Tamang Panahon” stand-up comedy special na nag-number 1 sa top trending sa Netflix.

Sa kanyang Facebook post ay ibinahagi ni Chito ang kanyang saloobin hinggil sa napanood na joke.

Ang naturang joke na binitawan ni Alex ay, “Natuwa ako may bagong bukas na carwash. Katabi lang namin.Tuwang-tuwa ako kasi walking distance lang siya. Hindi ko na kailangan magdala ng kotse.”

Baka Bet Mo: Alex Calleja may inamin tungkol kay Jake Cuenca, ayaw nang makatrabaho?

Banat naman ni Chito, siya raw umano ang original na may-ari ng joke.

“Nanood ako ng Netflix special ng isang pinoy stand up comedian. Ginamit yung isang joke ko.

“Well, marami pa ako niyan brod. Madami ka pa puwede nakawin,” sey ni Chito na walang pinapangalanang tao.

Kasunod naman nito ang paglalabas niya ng resibo na ipinost niya noong September 14, 2019 sa Facebook ang naturang joke.

Noong September 24, 2023 ay ibinahaging muli ni Chito ang naturang joke na may caption pang “Luma na ’to, puwede ‘nyo nang gamitin.”

Hirit pa niya, “Eto yun e pero sabi ko pala puwede nyo na gamitin. My bad.”

Marami naman ang nagsasabing si Alex ang pinatutungkulan ni Chito dahil ito lang naman ang recent stand-uo comedian na maponood sa Netflix.

Sinagot naman ni Alex ang mga paratang at nagpakita rin ng resibo na siya ang nauna sa joke.

Para sa mga hindi aware, si Chito ay matagal nang writer para sa sitcom na “Pepito Manaloto” at gag show na “Bubble Gang”.

The post Chito Francisco may parinig kay Alex Calleja, ninakawan raw ng joke? appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments