Responsive Ad

Female netizen buking na may anak ang ka-live in; ayaw sa kasalang-bayan

Female netizen buking na may anak ang ka-live in; ayaw sa kasalang-bayan

Stock Photo

KUNG nadiskubre mong may anak na pala ang iyong live-in partner for 10 years, ano’ng gagawin mo – itutuloy pa rin ang relasyon o hiwalayan na agad-agad?

Yan ang tanong ng isang female netizen sa Facebook page na Peso Sense na naguguluhan na sa kanyang sitwasyon ngayon kasama ang kanyang long-time boyfriend na parang wala raw kaplanu-planong pakasalan siya.

“Hello everyone, hoping po na hindi i-reveal ang fb account ko. May mga kakilala din kasi ako na members dito at ang iba mosang, ayaw ko naman na maging magulo pa lalo ang private life ko.

“Nais ko lang ko po humingi ng advice kaya ko po naisipang magsulat lalo pa’t ako lang sa pamilya ko ang nakakaalam sa sitwasyon ko,” ang intro ng babaeng letter sender.

Baka Bet Mo: Paolo no comment sa hiwalayan nila ni LJ; masaya pa rin kahit maraming issue

Pagpapatuloy pa niya, “I have 10yrs boyfriend, nong seven years relationship namin nag-decide kami na mag-leave in. Ang kasunduan namin since may bahay naman na akong sarili, regalo sa akin ni mama bago siya pumanaw.

“At may mga trabaho naman kami ni lip, pumayag ako 70/30, 70% sa kanya at 30% sa akin, iniisip ko ayos lang wala pa naman kaming anak at tumutulong naman siya sa parents niya kaya di na yun big deal sa akin.

“Pero napansin ko habang tumatagal, unti-unti siyang nagbabago at madalas pa siyang late na umuwi, kadalasan lasing pa.

“Sa tuwing tinatanong ko naman siya, kung hindi siya nagagalit, dedma lang sa kanya. Napagod ako sa gan’ung sitwasyon kaya nong sinabi niya na sa parents na muna siya uuwi, dahil nahihirapan daw siya mag-commute, malayo kasi ang trabaho niya kaya pumayag na rin ako kaysa iyan pa ang magiging dahilan ng away namin.

“Nagbibigay pa rin naman siya sa akin, hawak ko pa nga ang ATM niya eh pero di ko naman pong tinangkang bawasan kasi may sariling income naman ako.

“Saka napansin ko nitong mga nakaraang araw lagi niya ako kinukumbinsi na magpakasal kami kahit sa kasalang bayan, aaminin ko medyo na-offend ako kasi in the first place hindi naman talaga yun ang plano namin saka wala pa naman kaming anak,” rebelasyon pa ng anonymous sender.

Hugot pa niya, “Masama bang mag-demand ako kahit simpleng kasal pero ako lang yung bride? Kahit yun man lang sana gift niya sa akin dahil nakuha niya naman ako ng libre na siya naman nakauna.

“Nag-request ako sa kanya na magkaroon na muna ng kami anak dahil pareho naman kaming may stable job pero ayaw niya pa raw.

“Laking gulat ko, nalaman ko na may dalawang taon na pala siyang anak, nong nalaman ko yun lumuhod siya sa akin at umiiyak, nakikiusap na patawarin siya at magsimula ulit kami.

“Hindi ko na alam gagawan ko, nasa mixed emotion ako hanggang ngayon.
Pasensya na po kung mahaba ang sinulat ko, magulo lang talaga utak ko.

“Salamat po admin kung i-approve niyo ito. Salamat din in advance sa mga nakakaintindi at nagbibigay ng advice sa akin, good man iyan or bad, babasahin ko parin po. Salamat sa lahat at God Bless sa group na ito,” pagbabahagi pa niya.

Sey n’yo mga ka-BANDERA? Kung kayo ang magdedesisyon para kay Ate Girl — hiwalayan na o magpapaka-martyr na lang sa ngalan ng pag-ibig?!

The post Female netizen buking na may anak ang ka-live in; ayaw sa kasalang-bayan appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments