Responsive Ad

Mikee Morada binalaan ng 1 artista na huwag jowain si Alex Gonzaga

Mikee Morada binalaan ng 1 artista na huwag nang jowain si Alex Gonzaga

Alex Gonzaga at Mikee Morada

MAY isang artista palang nag-warning kay Lipa City Councilor Mikee Morada na huwag nang ituloy ang panliligaw kay Alex Gonzaga.

Talaga raw kinausap siya ng naturang celebrity na kung may plano siyang pormahan at dyowain si Alex ay hindi na raw niya dapat ituloy.

Napag-usapan ang tungkol dito sa latest episode ng “Toni Talks” kung saan binalikan ni Toni Gonzaga ang unang pagbisita ni Mikee kay Alex sa “ASAP” ng ABS-CBN.

“Ikinuwento sa akin ni Alex na nu’ng una mong bisita sa ASAP, may isang artistang nagtanong sa ‘yo, ‘Bakit ka nandito?’

Baka Bet Mo: Alex kinumpirma ang pagkawala ng 1st baby: Thank you for giving mommy and daddy joy even for a short span

“Tapos ang sagot mo is ‘Bibisitahin ko si Alex.’ Tapos ang sagot sa ‘yo ng artista na ‘yon is, ‘Naku, if I were you, ‘wag na. ‘Wag na si Alex.’ Pero tinuloy mo pa rin,” ang sey ni Toni sa kanyang brother-in-law.

Sagot ni Mikee, “Siya talaga ‘yung gusto kong makilala. Tapos nu’ng nakikilala ko siya unti-unti lumalalim, ito parang makakasama ko ‘to habang-buhay.

“Deep inside kapag nakilala mo siya, napakamabuti at masarap niyang mahalin,” papuri ni Mikee sa kanyang misis.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)


Ayon pa sa konsehal ng Lipa, may mga ugali rin daw si Alex na nagbago sa loob ng limang taon nilang pagsasama as married couple.

“‘Yung nabago sa kanya, siguro mas patient na rin siya. Mas marunong na rin siyang makisama. Mag-compromise,” pahayag pa ni Mikee.

Pero nagpakatotoo ang public servant sa pagsasabing ang hindi lang daw talaga nagbabago kay Alex ay ang pagiging makulit nito.

“Minsan, stubborn siya. Pero minimal lang naman, e. Overall talagang okay,” sey ni Mikee.

Nauna rito, ibinalita rin ni Mikee na sa ikatlong pagkakataon ay nakunan muli si Alex na nangyari nitong nagdaang December,  2024.

Ito’y matapos ngang makunan ang aktres ng dalawang beses mula nang ikasal sila taong 2020.

“Nu’ng nalaman namin na pregnant kami for the third time, nagpa-check up kami kaagad sa OB and okay naman. Tapos nag-decide kami na mag-iingat na talaga siya and the second week, okay pa yung ultrasound,” pagbabahagi ni Mikee.

“To be honest, kami ni Catherine (Alex), noong nalaman namin na pregnant siya, hindi namin talaga akalain, wala kaming plano.

“Ang plano namin, baka posibleng mag-prepare muna ng katawan, IVF, pero naturally pa rin, gusto naming subukan,” aniya.

Sabi ng mister ni Alex, hindi umabot ng isang buwan ang pagbubuntis ng asawa, “Hanggang du’n sa pangatlong linggo, e, sabi sa amin nu’ng doctor, ‘Naku, wala na namang laman. Blighted ovum ulit.”

Base sa isang health website, ang blighted ovium ay ang pag-develop ng fertilized sa uterus pero hindi natutuloy sa embryo.

The post Mikee Morada binalaan ng 1 artista na huwag jowain si Alex Gonzaga appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments