Responsive Ad

Bianca Umali biktima rin ng pambu-bully sa showbiz, lola may rebelasyon

Bianca Umali biktima rin ng pambu-bully sa showbiz, lola may rebelasyon

Bianca Umali at Ruru Madrid

NAGING biktima rin ng pambu-bully ang Kapuso actress na si Bianca Umali noong nagsisimula pa lamang siyang gumawa ng sariling pangalan sa mundo ng showbiz.

Tandang-tanda pa ni Bianca ang mga pinagdaanan niyang pagsubok sa kanyang acting career, lalo na ang naranasan niyang bullying kapag nasa shooting at taping.

“May mga stories si Mama (lola niyang si Ginang Vicky) na sometimes we would get a little bullied and all that, pero never siyang pumatol. Ever. Never,” ani Bianca sa cooking talk show ng GTV na “Lutong Bahay” hosted by Mikee Quintos.

Ang mga ganitong karanasan daw ang mas nagpatibay sa Kapuso actress para ipagpatuloy na abutin ang kanyang mga pangarap sa buhay.

Baka Bet Mo: Vicky Morales nagbigay ng 3 tips para sa mga gustong maging broadcast journalist

“What she always told me was, ‘Darating din ‘yung oras mo,’ Kami rin kasi talaga ‘yung pinakabago noon,” sey ni Bianca.

Sabi naman ni Lola Vicky na kasama ni Bianca sa naturang programa, “Kasi, noong bago siya, kapag may taping, sila naka…mayroon silang mga kama, kami hindi. Nandoon lang kami sa sahig.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by VIVA Films (@viva_films)


At siyempre, very proud si Lola Vicky sa narating ni Bianca sa kanyang career at sa naging pagbabago sa kanilang buhay, “Noon lang, pero sandali lang ‘yun (mga challenges at pambu-bully)! Nagbago na siya. Sumikat na rin,” sey ni Lola Vicky.

Sey naman ni Bianca, “Iyon ‘yung lagi niyang sinasabi na ‘Darating din ‘yung oras mo.’ Maybe I think it was those times na she would see me looking (sa mga kapwa celebrities).

“May mga ganoong moment, ‘di ba? ‘Yung makikita mo na nakatingin ‘yung bata, pero (hindi ako nagsasalita),” aniya pa.

Nabanggit din ni Bianca na sa murang edad ay marami na siyang natutunan sa buhay, lalo na ang mga life lesson na naituro sa kanya ni Lola Vicky.

“Kasi nga na-instill sa amin ni Mama na kung ano ‘yung wala, e, wala. Paghirapan mo para magkaroon ka, and that was okay. We were happy. As long as alam namin na mama was there,” pahayag pa ni Bianca.

Naichika rin nina Bianca at Lola Vicky na naranasan din nilang mag-commute noong nagsisimula pa lang sa showbiz ang dalaga, kabilang na ang pagsakay sa train.

Pero nang lumaon ay nagdesisyon na si Bianca na bumili ng sariling sasakyan dahil may edad na rin ang kanyang lola. Mag-isa na lamang siyang bumibiyahe kapag may trabaho.

Sunod na tanong ni Mikee kung nakaramdam ba ng awa sa sarili si Bianca noong mag-isa lamang siyang pumupunta sa taping?

“No. I guess hindi siya ano…I never felt awa sa sarili, but of course as an orphan, there was always moments where iisipin ko, ano kayang difference kung nandito ‘yung mommy and daddy ko.

“Nagwa-wonder ako, especially ‘pag makikita mo ‘yung mga kasama mo na may mga stage mom at stage dad, but regardless, I was the only one who had my lola and that is what made us different,” aniya pa.

The post Bianca Umali biktima rin ng pambu-bully sa showbiz, lola may rebelasyon appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments