Responsive Ad

Jak Roberto, Jackie Gonzaga may chance nga bang magka-something?

Jak Roberto, Jackie Gonzaga may chance nga bang magka-something?

ISA sa mga hot topics ngayon sa social media ang naging dance cover ng Kapuso actor na si Jak Roberto at ng Kapamilya TV host na si Jackie Gonzaga.

Nitong Sabado, February 8, nag-post ang ang aktor ng bagong TikTok video tampok si Ate Girl.

“Let’s go! @Jackie Gonzaga Pwede na magprod! Hahaha,” saad ni Jak sa caption.

Ilang oras pa lang ang nakalilipas ay bumenta na agad ang naturang video sa madlang pipol.

Baka Bet Mo: BINI Aiah first time na-meet si Jak Roberto: We didn’t get to hang out after

Agad nga ring umani ng samu’t saring komento mula sa madlang pipol ang collab nina Jak at Jackie.

“nakow po si darren nalang jackie wag na dyan,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Huuuuy yung 3 month rule Jaaaak! HAHHAHAHAHHAHA”

“Hala bagay po kayo. Two broken people fix their own broken pieces then make it stronger and whole again,” sey naman ng isa.

Tila nga mas nagiging malapit na ang sina Jak at Jackie sa isa’t isa habang tumatagal ang guesting ng una sa noontime program na “It’s Showtime”.

Nagsimula ang pagtatambal sa dalawa nang magkulitan ang mga ito sa segment ng “Sexy Babe” kung saan “binanatan” ni Jackie ang aktor.

“Jak, para kang buwan,” panimula ni Jackie.

“Bakit?” sagot ng Kapuso star.

“Kasi kahit madilim ang paligid noong nakita kita nagliwanag din,” hirit ni Jackie na nagpatili sa madlang pipol.

The post Jak Roberto, Jackie Gonzaga may chance nga bang magka-something? appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments