Driver na inireklamong nagma-m*sturb*te habang bumibyahe abswelto
ABSWELTO ang driver ng isang ride-hailing app matapos ireklamo na nagma-m*sturb*te umano sa loob ng sasakyan habang may sakay na pasahero.
Sa isinagawang imbestigasyon hinggil sa kaso, walang solido at konkretong ebidensiya na magpapatunay na nagpaligaya ng kanyang sarili ang driver sa minamanehong kotse habang may sakay na dalawang estudyante.
Sa opisyal na pahayag ng pamunuan ng Grab, napatunayang walang kasalanan ang driver matapos silang magsagawa ng imbestogasyon sa pamamagitan ng pagre-review ng Audio Protect recording.
“After a comprehensive review of the Audio Protect recording from the trip, the driver-partner’s profile, and performance history, we found no conclusive evidence to support the allegations or indicate any malicious intent.
Baka Bet Mo: Atak abswelto sa kasong ‘acts of lasciviousness’ na isinampa ng bellboy
“We have met with the passenger’s family and the driver-partner separately to share the findings of our investigation.
“During these discussions, we listened to their concerns and provided support on issues that required clarification.
“We deeply appreciate their willingness to engage constructively in resolving the matter,” ayon sa official statement ng kumpanya.
“We understand the challenges faced by both passengers and driver-partners in such situations and remain committed to ensuring fairness and understanding,” sabi pa.
Matapos ilabas ang resulta ng imbestigasyon, agad na in-activate ang account ng driver para makamapasada uli. Kasabay nito ang pagbabayad sa kanya ng kaukulang sweldo para sa araw na hindi siya nakapasada base na rin sa ipinatutupad na standard operation procedure ng Grab.
Matatandaang nag-viral ang social media post na nag-aakusa sa driver na nagma-m*sturb*te habang bumibiyahe. Depensa naman ng inireklamong driver, siya raw ay “overweight, asthmatic and hypertensive” at nahirapang huminga ng mga sandaling yun.
Wala rin daw katotohanan na inilabas niya ang kanyang ari habang nagmamaneho. Pamilyado raw siyang tao at may dalawang anak na babae, “Kaya matindi po ang aking respeto sa kababaihan.”
The post Driver na inireklamong nagma-m*sturb*te habang bumibyahe abswelto appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments