Responsive Ad

3 magkakapatid sunud-sunod daw na sinapian ng masamang elemento

3 magkakapatid sunud-sunod daw na sinaniban ng masamang elemento

Photo courtesy of Live Science

TATLONG magkakapatid ang umano’y sinapian ng masasamang espiritu sa isang barangay sa Kabankalan City, Negros Occidental.

Kuwento ng ina ng tatlong bata na itinago sa pangalang “Emily” magkakasunod na sinaniban ang mga ito ng pinaniniwalaang mga ligaw at galit na mga kaluluwa.

Base sa ulat ng Brigada News PH nitong nagdaang January 7, 2025, unang sinapian ang anak niyang babae dakong 7 ng gabi.

Inakala raw ni Emily na nananaginip lang ang bata pero biglang nagbago ang boses nito na parang demonyo kasabay ng pagsasabing papatayin daw silang lahat.

Baka Bet Mo: Kiray sinuntok ang manlolokong dyowa; umaming naging masamang anak dahil sa lalaki

Nagtatakbo raw si Emily palabas ng kanilang bahay at humingi ng tulong sa barangay. Agad namang nagtungo sa pinakamalapit na simbahan ang mga tanod doon para tumawag ng pari.

Kasunod nito, isa pang anak ni Emily ang sinasabing sinaniban ng masamang elemento matapos makakita ng isang anino na sinundan daw nito kasama ang kanyang pinsan.

Kuwento pa ni Emily sa naturang panayam, nawalan ng malay ang kanyang 17-anyos na anak sa paghabol sa nakita nitong anino.

Pagmulat daw ng mata ng teenager ay bigla raw itong sumigaw na papatayin ang kanyang pamilya.

Halos ganito rin ang nangyari sa kanyang 21-anyos na anak na nagpakita rin ng senyales na sinaniban din ito ng masamang elemento tulad ng nangyari sa dalawa niyang anak.

Batay naman sa panayam kay Father Numeriano Maquiran, isa sa mga unang  nagtungo sa bahay nina Emily, kinumpirma niyang “demonically possessed” ang tatlong magkakapatid.

Nabanggit din ng pari na posibleng ang talisman o anting-anting na suot ng isa sa mga anak ni Emily ang sanhi ng sanib dahil nakaka-attract daw ito ng  masasamang espiritu.

The post 3 magkakapatid sunud-sunod daw na sinapian ng masamang elemento appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments