Responsive Ad

Senior citizens hindi na kailangan ng ‘purchase booklet’ sa pagbili ng gamot

Senior citizens hindi na kailangan ng ‘purchase booklet’ sa pagbili ng gamot

INQUIRER file photo/Nino Jesus Orbeta

LESS hassle sa mga senior citizen dahil hindi na required sa pagbili ng mga gamot ang “purchase booklet” upang makakuha ng diskwento.

Ito ay dahil pinirmahan na ni Health Secretary Teodoro Herbosa ang Department of Health (DOH) Administrative Order No. 2024-0017 na inaalis na ang purchase booklet bilang requirement sa pag-avail ng discount.

“I am also a senior citizen. I know it is hard to always bring a purchase booklet with you,” sey ng hepe ng DOH sa isang pahayag.

Patuloy niya, “Seniors need the discount on their medicines, and we must make it easy for them to get that.”

Baka Bet Mo: Heart nag-share ng tips sa pagbili ng branded bags, wais na investment: It’s even better than gold!

Aniya pa, “We at the DOH give this gift of convenience and more affordable medicines to all of our senior citizens. Merry Christmas, po!”

Kung matatandaan, nauna nang nanawagan ang ilang mambabatas, kabilang na si ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo kaugnay sa bagong protocol.

Ayon kay Tulfo, sapat na dapat ang pagpapakita ng senior citizen ID upang ma-claim ang mga discount.

Ngunit sinabi naman ng Drugstores Association of the Philippines na ang pagpapakita ng nasabing booklet ay kinakailangan upang matiyak na sinusundan ang mga iniresetang gamot.

Nabanggit din ng grupo na nakakatulong din ito na maiwasan ang mga pang-aabuso sa mga benepisyo ng mga senior citizen.

The post Senior citizens hindi na kailangan ng ‘purchase booklet’ sa pagbili ng gamot appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments