Julie Anne San Jose sa pagiging Calendar Girl 2025: Wow! Ako ba yun?!
INATAKE rin ng matinding nerbiyos ang Asia’s Limitless Star na si Julie Anne San Jose nang malamang siya ang napili bilang 2025 Calendar Girl ng Ginebra San Miguel.
Ayon sa Kapuso star, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na mabibigyan siya ng chance na makahilera bilang Calendar Girl ang ilan sa mga iniidolo niyang celebrities.
Ka-level na niya ngayon sina GSM CG Marian Rivera (2009 at 2014), Anne Curtis (2011), Solenn Heusaff (2012), Pia Wurtzbach (2019), Sanya Lopez (2020), Christelle Abello (2021), Chie Filomeno (2022), Yassi Pressman (2023), at Heaven Peralejo (2024).
“Nakakakaba but at the same time nakaka-excite because this is the first time that I’m doing this. Parang rebirth para sa akin bilang isang babae na maipapakita ko yung ibang side ko. ‘This is the moment! Basta, this is the moment!” pahayag ng girlfriend ni Rayver Cruz.
Baka Bet Mo: Ellen: Boobs ko lang ang fake, lahat sa katawan ko di pa nagalaw!
At para maka-level ang naglalakihang female stars sa Philippine showbiz, sey ni Julie, “Nape-pressure ako! Ha-hahaha! Na-pressure ako but at the same time, I feel proud.
“Kasi, to stand along side these women, women of influence, talagang nakaka-proud. Parang nakaka-proud maging babae,” aniya pa.
Feeling proud and grateful din si Julie na makapag-portray ng iba’t ibang persona bilang Calendar Girl.
View this post on Instagram
“Yung mga artworks, or yung mga masterpieces ng iba’t ibang mga iconic artists natin. Parang meron siyang resemblance sa akin as an artist.
“So there’s me as a singer, as a dancer, as a performance host, as an actress, ahhmm as an influencer. Parang iba-iba siya, and I get to be anything I want to be pagdating sa craft ko,” saad pa ng dalaga.
Sa naganap na official launch ni Julie Anne bilang GSM CG 2025, anim na song ang kinanta ng dalaga bilang representation ng bawat brand na kanyang ineendorso.
Iyan ay ang mga kantang “Simula”, “Choose What’s True”, “See You At The Club”, “Kul-Disyon Sa Naay Ambisyon”, “Free”, at “Lamang Ang May Tapang”.
Paglalarawan pa ni Julie sa kanyang sarili bilang CG, “Stronger, bolder and more confident in her own skin.”
View this post on Instagram
Sey pa niya, “Ako, sobrang saya ho. Ahhh sobrang thrilled, sobrang honored. I’m very, very happy. Thank you guys so much for the trust, and you know to represent a brand that has support with incredible and exceptional women is truly an honor.
“And you know, sobrang na-amaze din ako personally. Parang, wow, ako?! Parang hindi ako makapaniwala. Ako ba yun?! Ha-hahaha!
“It’s amazing to see the final outcome and how everything came together, you know. Talagang team effort lahat. Collective effort.
“And I’m so, so thankful ahhmm sa entire team who pushed me to do my best, who supported me and made me feel comfortable and confident throughout the process. So it’s such a huge honor!”.sey pa ni Julie Anne.
The post Julie Anne San Jose sa pagiging Calendar Girl 2025: Wow! Ako ba yun?! appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments