Kris nag-Halloween kasama ang mga mahal sa buhay: My favorite M&M’s
MASAYANG nagdiwang ng Halloween ang Queen of All Media na si Kris Aquino dito sa Pilipinas.
Sa Instagram Story kamakailan lang, ibinandera ni Kris ang kanyang picture na nakahiga sa kama at may kasamang dalawang lalaki na naka-Halloween costume.
Ang isa ay ka-holding hands niya na may suot na Pikachu costume, habang ang isa ay katabi niyang nakahiga na nag-ala Minecraft Jack o’Lantern.
Wala siyang nabanggit kung sino ang dalawang ito, pero ang kanyang caption: “I will love these [two] boys ‘the rest of my life’…My favorite M&Ms.”
“One Happy Halloween,” dagdag pa niya, kalakip niyan ang background music na “10,000 hours.”
Baka Bet Mo: Kris iniiyak na lang ang sobrang sakit na nararanasan: Tuloy ang laban!
Maliban sa dalawang anak ni Kris na sina Bimby at Josh, kasalukuyan siyang in a relationship sa nagngangalang “Dr. Mike.”
Magugunitang nagkaroon ng update ang TV host kaugnay sa kanyang kalusugan sa pamamagitan ng kanyang close friend at dating entertainment editor na si Dindo Balares.
Ibinahagi ni Dindo sa kanyang Facebook page ang naturang photo ni Kris kung saan makikitang naglalakad-lakad na ito.
Sabi raw ni Kris sa kanya, “Ganyan kapayat my legs. That’s why i need physical therapy. And I’m 87 pounds, Kuya Dindo.”
View this post on Instagram
Bago ito, ibinalita rin ng dating editor na na-confine ulit sa ospital si Kris para sa bagong medical treatment na gagawin sa kanya.
Kung matatandaan, noong Setyembre nang umuwi sa ating bansa ang Queen of All Media makalipas ang dalawang taong pagpapagamot sa United States dahil sa kanyang autoimmune diseases.
The post Kris nag-Halloween kasama ang mga mahal sa buhay: My favorite M&M’s appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments