Responsive Ad

Rayver nakaipon na para sa kasal nila ni Julie Anne, magpo-propose na ba?

Rayver nakaipon na para sa kasal nila ni Julie Anne, magpo-propose na ba?

Julie Anne San Jose at Rayver Cruz

MAY savings na si Rayver Cruz para sa dream wedding nila ni Julie Anne San Jose. Pero ang tanong, kailan nga ba ito mangyayari?

May kumalat na chika na “asawa” na raw ang tawag ng Kapuso actor-TV host kay Julie Anne, kaya ang feeling ng ilang fans ay engaged na ang celebrity couple.

Sa naganap na grand mediacon ng bagong teleserye ni Rayver sa GMA 7, ang “Asawa Ng Asawa Ko”, ay natanong ang binata kung totoong “asawa” na ang tawagan nila ni Julie Anne.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by rayvercruz (@rayvercruz)


Sey ni Rayver, ine-expect na raw niya ang naturang question, “Actually, nakakatawa kasi alam ko naman na ‘yan na ang itatanong ng lahat sa akin, e, especially doon sa title.

Baka Bet Mo: Love life hugot ni Julie Anne San Jose: Okay lang naman maghintay, basta alam mong worth it ang paghihintay

“Well, siyempre, hindi ko pa siya pwedeng tawaging asawa dahil hindi pa naman kami kasal.

“At kung itatanong n’yo po kung kailan ako magpapakasal, mas gugustuhin ko naman po na ma-surprise si Julie. Baka mas una niyo pa pong malaman,” pahayag ng aktor.

“Kailangan caught off-guard siya. Gusto ko, ako ang pipili ng tamang oras. Gusto ko na ma-surprise siya,” patuloy pang sabi ni Rayver.

Ipinagdiinan din niya na ibang level na talaga ang relasyon nila ni Julie Anne at nanindigan siya na ang actress-singer at TV host na ang nais niyang pakasalan at makasama forever.

“Ibang level, sobrang secure, sobrang happy and kitang-kita naman kung gaano ko siya kamahal. In God’s perpect time,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Rayver, Julie Anne nag-collab sa TikTok video, netizens kinilig: Kayo na lang!

Inamin din ni Rayver na napag-uusapan na rin nila ni Julie Anne ang kasal. Meron na rin daw siyang savings kaya naghihintay na lang siya ng tamang panahon para sa gagawin niyang proposal.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Thirty-four na rin naman ako and I’m not getting any younger. And for me, si Julie na talaga ang gusto kong makasama habangbuhay,” sabi pa niya.

Samantala, magsisimula na ang “Asawa ng Asawa Ko” sa January 15, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad. Makakasama ni Rayver dito sina Jasmine Curtis-Smith at Liezel Lopez na siyang mag-aagawan para sa kanyang atensyon at pagmamahal.

Kasama rin sa cast sina Gina Alajar, Mariz Ricketts, Ina Feleo, Martin del Rosario, Joem Bascon at marami pang iba.

Sey ni Rayver, napakaganda ng samahan nila sa set ng serye at napakarami rin niyang natutunan habang ginagawa nila ang programa, lalo na sa direktor nilang si Laurice Guillen.

“Siguro kaya nagka-rapport agad, maganda ang samahan ng lahat kahit first time naming nagkasama sa project, sina Joem Bascon, Martin del Rosario, matagal ko na silang kilala,” aniya.

The post Rayver nakaipon na para sa kasal nila ni Julie Anne, magpo-propose na ba? appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments