Responsive Ad

Ice Seguerra never magge-guest sa mga kalabang show ng Eat Bulaga

Ice Seguerra never magge-guest sa mga kalabang show ng Eat Bulaga

Tito Sotto, Joey de Leon, Vic Sotto at Ice Seguerra

NANINDIGAN ang OPM icon na si Ice Seguerra sa kanyang desisyon na hinding-hindi magge-guest sa mga kalabang noontime show ng TVJ.

Yan ang inulit-ulit ng premyadong singer-songwriter nang mahingan ng reaksyon tungkol sa pagkapanalo nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon sa kasong isinampa nila laban sa TAPE Incorporated.

Nabawi ng TVJ at ng Legit Dabarkads ang “Eat Bulaga” trademark mula sa pamunuan ng TAPE na pag-aari ng pamilya Jalosjos kaya naman agad nila itong ginamit muli sa kanilang live episode last Saturday (E.A.T.) sa TV5.

Kasunod nito, napilitan na nga ang TAPE na palitan ang titulo ng noontime show nina Paolo Contis, Buboy Villar at Isko Moreno, mula sa “Eat Bulaga” ginawa na nila itong “Tahanang Pinakamasaya.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa nakaraang presscon ng bagong drag club na RAMPA na matatagpuan sa Quezon City, kung saan co-owner si Ice at ang wifey niyang si Liza DiƱo, natanong ang OPM icon kung papayag na ba siyang mag-guest o mag-perform sa “Tahanang Pinakamasaya.”

Baka Bet Mo: Ice Seguerra forever tatanaw ng utang na loob kay Bossing at sa Eat Bulaga: Ito ‘yung panahong nagpupumilit akong mag-loveteam

“Never. Not because of anything, again, my loyalty remains with TVJ and Eat Bulaga. Sila yun, e. Nandito ako because of them,” pahayag ni Ice.

Paglilinaw ni Ice, wala siyang personal na galit o isyu sa mga host ng TAPE at sa pamilya Jalosjos.

“No hard feelings. Wala akong kagalit. Alam mo yun, ang liit ng industriya natin para magkaroon ng kagalit.

“It’s just because, I am not comfortable with the fact na… para akong nagtaksil, e. Hindi ko kaya. And they know that.

“Even with Showtime, kumbaga, I’ve been asked to guest. Even the time na walang Eat Bulaga nu’n sa ere, but I will always tell them in a very nice way na hindi lang talaga.

“Kumbaga, bigay niyo na lang sa akin yun,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Tape Inc. (@officialtapeinc)


Punto pa ni Ice, mas okay na raw na may sarili nang title ang noontime show ng TAPE sa GMA 7 para magkaroon na ito ng sariling identity.

Baka Bet Mo: Ice Seguerra umaming tsine-check pa rin ang mga ex-dyowa, OK lang kaya kay Liza DiƱo?

“Sana. This is not just for Eat Bulaga! to move on, but for the other show to…sa Tahanang Pinakamasaya, move on as well. Yun, e!

“Siguro hangga’t…kung wala yung desisyon na yun, mahirap mag-move on both parties, e.

“Kumbaga, it’s nice din, at least merong Tahanang Pinakamasaya din, they have their own identity.

“Kasi, hangga’t they’re using Eat Bulaga!, they will always be in the shadow of TVJ, di ba? Parang ako rin, if I’ll be part of the other show, parang I want to have my own identity.

“Now, they can do whatever they wanna do na hindi ikukumpara, di ba? Because they’re different show now. They’re not Eat Bulaga. So, at least, start again,” pahayag pa ni Ice.

The post Ice Seguerra never magge-guest sa mga kalabang show ng Eat Bulaga appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments