33 miyembro ng StarKada ipinakilala na: ‘Meron silang ibubuga, ipapakita!’
MULING ipinakilala isa-isa ang 33 miyembro ng StarKadas via zoom ng NET 25 Star Center Artist Management head na si Direk Eric Quizon kamakailan.
Kitang-kita kung gaano ka-proud si direk Eric sa mga anak-anakan niya na base sa kanilang pananalita kung paano nila prinesenta ang kani-kanilang mga sarili ay sure kami na sisikat ang mga ito sa tamang panahon, basta’t magtiyaga lang sila at mas lalong paghusayan ang kanilang talento kung anuman mayroon sila.
Sinigurado ni direk Erik na totoong may mga talent ang 33 miyembro ng Starkadas dahil dumaan sila sa napakahirap na preparasyon/workshops pagkatapos nilamg pumasa sa audition.
Nagsimulang mapanood ang 33 Starkadas sa bagong reality show na “Road to StarKada” nitong Disyembre 18 sa ganap na 5:30 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.
Sey ni direk Erik, “Basta ang masasabi ko lang, itong 33 na ito, piling-pili sila at alam ko na magaling sila at alam ko na mayroon silang ibubuga, mayroon silang ipapakita.”
Baka Bet Mo: Alice ipinakilala na ang baby sa publiko: Babae po ang anak ko, her name is Aura
View this post on Instagram
“That’s the reason why, kung bakit din gusto kong ipakita namin itong show na ‘to (‘Road to Starkada’) kasi, gusto ko, makilala n’yo sila,” patuloy niya.
Paliwanag pa niya, “Because like I said, I’m very proud of them, at alam ko na pwede ko silang ipagmalaki, pwede ko silang isalang. Some of them can dance around the other actors in other networks. Some of them can act around the other actors in other networks,” pahayag ng tatay-tatayan ng nasabing grupo.
Dagdag pa, “ang masasabi ko lang talaga na pag kinuha n’yo sila, puwede n’yo silang isalang at hindi ako mapapahiya.”
Ang “Road to Starkada” ay ipapakita ang naging journey ng 33 miyembro simula sa auditions hanggang sa mapili na sila gayundin ang mga workshops and training na ginagawa nila sa kasalukuyan at ang mga weekly challenges na haharapin ng grupo.
“We are thrilled to introduce ‘Road to Starkada,’ a reality show that goes beyond entertainment, providing a platform for our youth to shine and showcase their unique abilities. Through this show, we hope to unearth the hidden gems among Filipino teens and offer them an opportunity to embark on a life-changing adventure,” saad ni direk Eric.
Dagdag pa,“this is one way of introducing them, eh. Kaya I suggested to have a StarKada journey and ito na nga ‘yun, kaya nabuo ‘yung ‘Road to Starkada.’ After this, magkakaroon pa sila ng ibang shows and this time, to showcase further their real talents.”
Sina Sofi Fermazi, Nicky Gilbert, Gia Gonzales, John Heindrick, Via Lorica, Aaron Gonzalez, at Miyuki de Leon ang unang makakasama sa ‘Road To Starkada.’
Ang ipapakita ni Sofi bilang K na Pop ng Starkada,“I would say it’s my singing and I also compose songs.”
Si Nicky, ang tinawag na ballerina sa grupo ay ang pagsasayaw naman ang ise-share niya,“I also do choreography. So, I think those two would make me more, you know, fly high for myself because kakaiba din kasi ang pagiging choreographer. I can do that and I can help the Starkadas, and that is my distinct talent.”
Ang husay sa pananalita’t pakikipag-usap, pagkanta at talento sa martial arts ang ipapakita naman ni Gia.
Ang heartthrob sa grupo na si John ay ang pagsulat ng kanta, pagsasayaw at choreography ang ipapakita niyang talento.
Aniya, “Acting is something I really look forward to for myself. I’ve been amazed at the work of an actor.”
Ipinagmamalaki naman ni Via ang pagiging Bisaya at kaya niyang makipagsabayan, “I want to push forward my acting career, and I want to be a flexible actor.” Sa tingin ni Via ay kaya rin niyang mag-host.
View this post on Instagram
Ang Filipino-Japanese na si Miyuki ay marami raw siyang puwedeng ipakita dahil dumaan na siya sa iba’t ibang workshops.
“Before joining NET25, I’ve had workshops for acting as well as other things like dancing, singing, and hosting. I really try my best to do everything as much as possible although, of course, there’s always room for improvement,” kwento ni Miyuki.
Dagdag pa, “my distinct talent has always been acting. It’s my passion, but at the same time, I really want to explore everything and every field, like now that I’m into hosting. I also sing.”
Ang pagiging positibo sa buhay ang isa sa laging bilin sa kanila ng NET25 Star Center Artist Management head na si direk Erik at laging nasa utak daw ito ng Starkadas.
Say ni Gia, “I’d like to focus on the character, ‘coz in this industry, character matters a lot. I’d say I’m very zealous that I don’t settle for less. So, in terms of the quality of work that I could put out, I could assure that, and versatility as well, you can put me anywhere and I grab anything. I’m that hungry right now and passionate.”
Mula naman kay Miyuki, “I’ve always tried to not box myself into a certain skill, especially dancing, which has always been my biggest weakness. But since we started with NET25 Star Center, we’ve had workshops on different things (such as acting, dancing, singing, fashion, and speech). From there, I’ve realized how important it is to not box myself into just one skill.”
Ang natutunan naman ni Aaron, “I think one thing that I’ve learned is that you will meet so many people with many different personalities. As I’ve mentioned earlier, you should be willing to work with them. So, I think that’s something that I’ve got.”
Ang 33 miyembro ng StarKada ay sina Aaron Gonzalez, Arwen Cruz, Bo Bautista, Celyn David, Chelsea Bon, Crissie Mathay, Dana Davids, David Racelis, Drei Arias, Enrico Cruz, Gera Suarez, Gia Gonzales, Jam Aquino, Jannah Madrid, John Heindrick, Juan Atienza, Kanishia Santos, Marco Ramos, Migs Rubia, Mischka Mathay, Miyuki de Leon, Nate Reyes, Nicky Gilbert, Ornella Brianna, Patrick ROxas, Rachel Gabreza, Shira Tweg, Sofi Fermazi, Tim Figueroa, Via Lorica, Victoria Wood, Yvan Castro at Zach Francisco.
The post 33 miyembro ng StarKada ipinakilala na: ‘Meron silang ibubuga, ipapakita!’ appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments