Responsive Ad

Kathryn Bernardo ipinagtanggol ni Dolly de Leon sa isyu ng pagbi-vape: ‘Eksena po yun sa pelikula…spoiler tuloy’

Kathryn Bernardo ipinagtanggol ni Dolly de Leon sa isyu ng pagbe-vape: 'Eksena po yun sa pelikula...spoiler tuloy'

Dolly de Leon at Kathryn Bernardo

NILINAW ng international actress na si Dolly de Leon na eksena sa pelikula ang viral photo ni Kathryn Bernardo na nagbi-vape at hindi nga raw dapat kumalat iyon sa social media.

Sa kanyang guesting sa radio program na “Cristy Ferminute” nina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika sa Radyo5 92.3 TRUE FM ay natanong ng “CFM” host kung ano ang kuwento ng nasa likod ng pagbi-vape ng isang celebrity na wholesome ang image.

“Dolly sa iyo na namin tatanungin ito, ‘yung kuwento ng vape na talaga namang nag-trending (photo at video),” bungad ni Nanay Cristy kay Dolly.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dolly de Leon (@dollyedeleon)


Magkasama sina Dolly at Kathryn sa pelikulang “A Very Good Girl” mula sa direksyon ni Petersen Vargas.

Sagot ni Dolly, “’Yung kuwento po ng vape? ‘Yung video na may hawak siyang vape? Ayun po, spoiler tuloy dahil lumabas tuloy.

“May nag-video sa kanya (Kathryn) nagbi-vape dahil mayroon po siyang eksena na nagbi-vape talaga siya at mayroon din akong eksena na magsisigarilyo ako. Kaya pinapraktis niya kung paano gamitin ‘yung vape, ‘yun po talaga ang nangyari do’n.

Baka Bet Mo: Janine Gutierrez tinawag na ‘mommy’ si Dolly de Leon dahil sa ‘Dirty Linen’: ‘Im a fan forever! Gawa tayo ulit please?!’

“Unfortunately spoiler po dahil may tao (na nag-upload). Actually bawal nga po ‘yun nagpi-picture habang nagsu-shoot.  Kung gusto nilang mag-picture sana hindi na lang nila pinost,” paliwanag ng veteran actress.

Nasambit ni ‘Nay Cristy na negatibo tuloy ang naging epekto nito kay Kathryn at may nagsabi pang umiinom din daw ang dalaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath)


“Oo nga po kailangan niyang iprakrtis kasi hindi siya marunong mag vape pero KUNG (diin pagkakasabi) nagbi-vape naman talaga siya at umiinom naman talaga siya, siguro naman okay lang dahil may edad na siya, nasa legal age na siya para gawin iyon,” katwiran ni Dolly.

At ang pag-inom na sinasabi ay mula naman sa cast party pagkatapos ng shooting ng “A Very Good Girl” movie nila.

“Pinaghirapan po namin (ang pelikula), so reward namin iyon sa isa’t isa.  Celebration ‘yun, di po ba ganu’n naman tayo kapag mayroon tayong achievement nagse-celebrate tayo may konting alak,” nakangiting katwiran ng sikat na aktres.

Dolly de Leon sa pagsasama nila ni Kathryn Bernardo sa pelikula: Kinikilig ako kasi galing na galing ako sa kanya at napakabuti rin niyang tao

Karen ipagdarasal ang patuloy na paglaban ni Dolly sa Hollywood, hindi man sang-ayon sa resulta ng Golden Globes, pero…

The post Kathryn Bernardo ipinagtanggol ni Dolly de Leon sa isyu ng pagbi-vape: ‘Eksena po yun sa pelikula…spoiler tuloy’ appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments