Pambansang Kolokoy umamin na sa tunay na dahilan ng paghihiwalay nila ni Marites: ‘Kapag ayaw niya sa isang tao dapat ayaw mo na rin’
NGAYON lang yata kami nanood ng vlog ni Ogie Diaz na talagang inatake kami ng matinding lungkot simula sa anim na minuto hanggang sa pagtatapos ng kanyang panayam.
Ang tinutukoy namin ay ang interview niya sa kontrobersyal at sikat na social media influencer na si Joel Mondina o mas kilala bilang si Pambansang Kolokoy.
Si PK o Joel ang ex-husband ni Grace Mondina o mas kilala naman bilang si Marites na kasama niya noon sa kanyang YouTube channel.
Ang mga magulang ni Pambansang Kolokoy ang pinakamatinding dahilan para tuluyan na nitong iwan ang ex-wife na si Grace dahil hindi umano maganda ang trato nito sa kanyang mga magulang.
Garalgal ang boses na sabi ni Joel, “Ito Ogie para sa akin, ang asawa kasi puwede mong palitan ‘yan, eh, pero ang magulang hindi, eh. Hindi mo puwedeng palitan.
“Unang-una hindi ko nakita ‘yung magulang ko. ‘Yung tatay ko hindi ko nakita ng 10 years at hindi ko nakausap. ‘Yung nanay ko hindi ko nakausap ng 8 years magkatabi lang ‘yung bahay namin,” pag-amin niya.
Diin ni Ogie, “Iba ‘yung hindi nakausap sa hindi kinausap lalo’t katabi mo lang ng bahay? Bakit mo natiis na hindi kausapin ang mommy mo?”
“Dahil ayaw ni Grace na kausapin ko sila. Nu’ng una kasing makilala ko si Marites, si Grace she was still married when I met her at mayroon din siyang anak.
Baka Bet Mo: Sagot ni Susan Roces nang sabihang magpaligaw: Aanhin ko when love blooms, wala na akong ibu-bloom
“Nalaman ng parents ko ‘yun siyempre bilang Pilipino na magulang parang hindi sila agree sa ganu’n klaseng relasyon na ‘yung kinakasama ko is kasal pa sa iba saka hindi lang (dahil) may anak.
“So, parang pinakitaan si Marites ng hindi masyadong maganda pero habang tumagal-tagal ay naging okay naman sila.
“Si Marites naging ganito siya hanggang sa naabot niya ‘yung pangarap niya na magkaroon ng doctorate of nursing,” kuwento ni Joel.
At dito na nagsimula ang pagkakaroon ng indifference ni Grace sa magulang ng ex-husband nang matapos niya ang kanyang pag-aaral at nakamit ang doctorate degree.
“Kahit siguro hindi niya (Grace) sabihin pero ‘yung iisipin niya na ‘ganito kayo sa akin noon ayaw ninyo sa akin kaya ngayon ako naman, ayaw ko na rin sa inyo.’ Parang gumanti siguro,” opinyon ni PK.
Hanggang sa nag-aaway na ang ex-couple kapag ipinakikita ni Joel ang mga anak nila sa magulang nito dahil nga gusto nitong magkaroon ng bonding sa lola nila.
“Dumating ‘yung time na ipinakausap ko ‘yung mga anak ko sa lolo’t lola nila at hindi nila kilala. Masakit kasi magulang ko hindi kilala ng mga anak ko. Sabi ng anak ko nu’ng nakita niya sa Face Time, ‘dad who is she? Sabi ko, ‘that’s your grandma.’ ‘Oh okay’ (sabi raw ng anak),” balik-alaala ni Joel.
Ilang beses daw kinausap ni Joel si Grace na sana magkaayos na sila ng magulang niya pero matigas umano ang pagtanggi nito at siya umano ang kailangan masunod.
“Kapag ayaw niya sa isang tao dapat ikaw ayaw mo rin do’n sa taong ‘yun. Sinunod ko kasi ayaw ko ng away pinabayaan ko na lang kung ano ang gusto niyang mangyari para lang talaga hindi kami magbangayan, sinunod ko talaga,” katwiran ni PK.
Naikuwento rin na sinubukang kausapin si Grace ng mama ni Joel para humingi na lang ng sorry (dahil sa inayawan noon) pero hindi siya hinarap bagkus ay tinalikuran pa kaya nadurog ang puso nito sa nakita.
Kaya ang payo ni Joel sa lahat, kapag nag-asawa ay dapat maging parte rin ng buhay nila ang mga magulang ng bawa’t isa.
Marites Mondino inaming nais ng kanilang anak na magkabalikan sila ni Pambansang Kolokoy pero…
The post Pambansang Kolokoy umamin na sa tunay na dahilan ng paghihiwalay nila ni Marites: ‘Kapag ayaw niya sa isang tao dapat ayaw mo na rin’ appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments