Responsive Ad

Julie Anne San Jose pagdating sa ‘cheating’: ‘It’s nonnegotiable!’

Julie Anne San Jose pagdating sa ‘cheating’: ‘It’s nonnegotiable!’

PHOTO: Instagram/@myjaps

PARA sa singer-actress na si Julie Anne San Jose, ang pagkakaroon ng “cheat days” ay excusable ngunit hindi ito applicable pagdating sa relasyon.

‘Yan ang iginiit mismo ni Julie Anne matapos ma-interview ng INQUIRER para sa kanyang upcoming film na pinamagatang “The Cheating Game.”

At dahil tungkol sa panloloko ang pagbibidahang pelikula, unang tinanong sa kanya kung ready ba siyang magbigay ng second chance sakaling mag-cheat ang kanyang boyfriend.

Sagot ng aktres, sakaling mangyari ito sa kanya ay wala nang dapat pag-usapan pa.

Nakadepende, aniya, ang ikalawang pagkakataon sa sitwasyon at kung gaano kabigat ang ginawang panloloko.

“For me, cheating is nonnegotiable,” giit ni Julie Anne.

Baka Bet Mo: Julie Anne handa nang makipagbardagulan sa ‘The Voice Generations’, relate much sa kaba ng contestants

Sey pa niya, “To grant a second chance would depend on the situation and the weight of the betrayal.”

Nabanggit pa niya ang kanyang role sa nabanggit na pelikula na kung saan ay hindi talaga nananalo ang mga cheater.

“Cheaters never win. When you commit in a relationship, it must not be half-baked,” sambit ng aktres.

Paliwanag niya, “All relationships have ups and downs. So when you take the risk of falling, you must be ready.”

Kasunod niyan ay diretsahan siyang tinanong kung si Rayver Cruz na ba ang kanyang “the one.”

Agad naman niya itong sinagot ng, “of course!”

Sa ngayon daw, ang relasyon nila ay mailalarawan niyang happy, contented at secure sa isa’t-isa.

Sa huli ay nagbigay pa ng advice si Julie Anne para sa mga kababaihan na nakakaranas ng panloloko mula sa kanilang ka-relasyon.

“It’s beyond women’s control. It’s really up to the man if he will stay faithful,” tugon niya.

Patuloy pa niya, “But if you’re trying your best to be a good girlfriend, then the problem is not with you. To sum it all up, find someone like Ravyer Cruz.”

Katambal ni Julie Anne sa “The Cheating Game” ang kanyang real life boyfriend na si Rayver at mula ito sa direksyon ni Rod Marmol.

Kasama rin nila sa pelikula sina Martin del Rosario, Paolo Contis, Winwyn Marquez, Thea Tolentino, Yayo Aguila, Candy Pangilinan, Jose Sarasola, Phi Palmos at marami pang iba. 

Showing na ito sa mga sinehan simula sa July 26.

Related Chika:

Hindi po ako pabor sa cheating dahil naging biktima rin naman ako – Kim

The post Julie Anne San Jose pagdating sa ‘cheating’: ‘It’s nonnegotiable!’ appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments