Responsive Ad

Donny Pangilinan tuloy pa rin ang panliligaw kay Belle Mariano, nagsabihan na nga ba ng ‘I love you’?

Donny Pangilinan tuloy pa rin ang panliligaw kay Belle Mariano, nagsabihan na nga ba ng 'I love you'?

Donny Pangilinan at Belle Mariano

HINDI masagot nang diretsahan ng Kapamilya young actress na si Belle Mariano kung nag-“I love you” na ba siya kay Donny Pangilinan.

Nakakaaliw at nakaka-good vibes ang chikahan at tsismisan nina Belle at Vice Ganda na napapanood na ngayon sa YouTube channel ng Phenomenal Box-office Star.

Isa sa mga sa mga natanong ni Vice kay Belle ay kung sinabihan na niya si Donny ng “I love you” and vice versa. Tawa lang nang tawa ang dalaga sa pangma-Marites ng TV host-comedian.

Sey ng Kapamilya star, kay Donny na lang daw muna ito itanong ni Vice pero feeling niya, nasa courting stage pa rin sila ng kanyang ka-loveteam.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Hindi ko alam (gaano katagal ang ligawan), hindi ko masabi. Feeling ko ongoing pa rin,” ang tila hiyang-hiyang sagot ni Belle kay Vice.

Isa raw sa gustung-gusto ni Belle kay Donny ay ang pagiging thoughtful nito, lalo na ang palaging pagbibigay sa kanya ng pagkain kapag magkasama sila.

Samantala, natanong din ni Vice si Belle kung posible kayang magka-loveteam pa rin sila ni Donny 10 years from now. Okay lang ba sa kanya na itambal sila sa ibang artists?

Baka Bet Mo: Belle Mariano mas naging palaban dahil sa ‘He’s Into Her’: Ang matapang umiiyak pero hindi nagpapasindak

“Feeling ko by then, we’d still want to work with each other pero siyempre I would like to explore more. Gusto ko mag-direct, siya rin gusto niya mag-direct.

“And actually, pareho po kami na open magkaroon ng ibang partners in the future. Nagkaroon kami ng conversation na we’re going to be there to support one another.

“Ayaw namin maging hindrance sa growth ng isa’t isa whether individual or together yung project namin,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Donny Pangilinan (@donny)


Kamakailan lamang ay ibinandera na ng ABS-CBN ang kauna-unahang primetime series ng DonBelle na may titulong “Can’t Buy Me Love,” na ididirek ni Mae Cruz- Alviar.

In fairness, lahat ng pinagsamahang proyekto nina Belle at Donny ay super successful, tulad ng kanilang romantic-comedy film “An Inconvenient Love” last year.

Idagdag pa ang kanilang record-breaking iWantTFC series na “He’s Into Her” at ang digital launching movie nilang “Love Is Color Blind.”

DonBelle bumandera sa isang US news outlet para sa ‘An Inconvenient Love’

Belle Mariano wagi sa 17th Seoul International Drama Awards, Donny super proud

The post Donny Pangilinan tuloy pa rin ang panliligaw kay Belle Mariano, nagsabihan na nga ba ng ‘I love you’? appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments