Responsive Ad

Tuesday Vargas: Batang palengke talaga ako kung saan lahat de-takal at lahat pwedeng tingi-tingi lang

Tuesday Vargas

BINALIKAN ng veteran comedienne at TV host na si Tuesday Vargas ang naranasang kahirapan ng buhay noong wala pa siya sa mundo ng showbiz.

Naging emosyonal ang komedyana nang mag-post siya social media kung paano siya nagsikap at nagsipag sa buhay para umasenso at maabot ang kanyang mga pangarap.

Sa kanyang Instagram page,  ibinahagi ni Tuesday ang litrato ng mga pinamili niya sa isang membership shopping club. Pero bago umatake ang mga bashers, may disclaimer na agad ang aktres at singer.

Sabi niya, hindi niya ipinost ang mga nabiling grocery items para magyabang kundi para maka-inspire sa mga tulad din niya noon na nangangarap magkaroon ng magandang buhay.

“Dati kapag namimili ako, bawat piraso ng bawang binibilang ko kung kasya ang pera ko. Nagdadala ako ng calculator (kasi pati telepono ko noon mumurahin lang walang calculator) para makita ko kung pasok pa sa budget,” sey ni Tuesday sa caption.

Pahayag pa niya, nakakakain lang siya ng mga imported goods kapag nagpapadala ang kanyang nanay.

“Ni wala akong membership sa kahit anong shopping club. Nakakatikim lang ako ng imported na grocery items kapag nagpapa dala ang Mama ko o kaya may kamag-anak na umuwi sa Pinas at may pasalubong.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Tuesday Vargas (@tuesday_v)


“Batang palengke talaga ako kung saan lahat de takal at lahat pwedeng tingi tingi lang,” pag-amin pa niya.

“Pero dahil masipag ako (as in ilan ang trabaho ko) at dahil sa paycheck ko sa business namin ng essential oils, nakakayanan kong mag tabi para maka bili ng healthy na mga pagkain.

“Aba ang mahal pala ng mga organic, grass fed chururut. Pero mas mainam kasi kung makaka iwas ka sa sakit in the long run, kailangan mag invest tayo sa katawan natin,” mariin mensahe pa ni Tuesday.

Pahabol pa niyang paalala aa lahat ng makakabasa sa post niya, “Pwedeng simple ito para sa iba. Pero kasi po kanina naiiyak ako habang nilo load sa cart ang mga bagay bagay at nagawa ko siyang bayaran galing sa pagod at sakripisyo ko nang di ako kinakabahan sa bawat beep ng kahera.

“Siguro marami sa inyo ang makaka relate dito. Ang simpleng pag provide sa pamilya ay isang napakalaking source ng pride at joy para sa isang nanay na katulad ko. Salamat universe for the blessings. Wish ko po lahat ng tao biyayaan nyo din. Amen,” lahad pa ng komedyana at “Bubble Gang” babe.

Tuesday Vargas umaming nai-intimidate pa rin kay Bitoy: Pero marami kaming similarities kasi…

Tuesday Vargas 2 beses nang tinamaan ng virus: Stop COVID-19 shaming, ‘wag na po tayong magsisihan

Baron pwedeng maging pastor at professor ngayong graduate na ng Theology; magpapatayo rin ng sariling simbahan?

The post Tuesday Vargas: Batang palengke talaga ako kung saan lahat de-takal at lahat pwedeng tingi-tingi lang appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments