Responsive Ad

Robin Padilla, Salvador Panelo spotted sa ‘Iconic’ concert nina Sharon at Regine

Robin Padilla, Salvador Panelo spotted sa 'Iconic' concert nina Sharon at Regine

NAGPAKITA ng suporta ang aktor at senator-elect na si Robin Padilla sa “Iconic” concert ng kanyang dating kaparehang si Sharon Cuneta.

Sa kanyang social media account ay ibinahagi niya ang mga larawan kasama ang nag-iisang Megastar.

Bukod sa pagsuporta ay tila naging tulay si Robin sa pagkikita at pagkakaayos ni Sharon at ng dating presidential spokesperson na si Salvador Panelo.

“‘Blessed are the peacemakers, for they will be called children of God.’

“Maraming Maraming salamat po kambal mam Sharon Cuneta- Pangilinan sa pagsalubong sa amin ni secretary idol Salvador “Sal Panalo” Panelo sa inyong napakagandang concert ni ms regine Velasquez- Alcasid na nagbigay ng Napakaraming makukulay na alaala ng kagandahan at kagalakan,” saad ni Robin sa kanyang Facebook post.

Matatandaang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nina Sharon at Panelo noong nagdaang kampanya nang kantahin ng huli ang isa sa mga iconic songs niya na “Sana’y Wala Nang Wakas”.

Ani Robin, sa sobrang galing ng dalawa sa performance kaya naman napapasabau silang dalawa sa bawat kantang inaawit ng Megastar at Asia’s Songbird.

“Napakasarap ng pakiramdam ng magaan na ang lahat. Napakaganda po ng inyong mensahe patungkol sa pagtatapos ng eleksyon at oras na para tayong lahat ay magkaisa at magtulungan para sa ikabubuti ng Inangbayan Pilipinas,” pagpapatuloy pa ni Robin.

Pinansin rin ng nanguna sa botohan sa pagkasenador ang kulay ng kanilang kasuotan nila na bagay na bagay daw at nagpapakita ng diwa ng unity.

Samantala, nag-post rin si Sharon ng kanilang larawan ni Robin sa kanyang Facebook page.

“Before and after ICONIC last night! Our beloved friends surprised us, including number 1 Senator Robin @robinhoodpadilla who came with Sec. Panelo!” pagbabahagi ng Megastar.

Inamin rin nito na may plano sila ng asawa ni Mariel na muling gumawa ng pelikula together para sa kanilang mga supporters.

Rellated Chika:
Sharon binura na ang post laban kay Panelo pero ayaw pa ring tantanan ng bashers: What she did is so wrong talaga

Robin Padilla kukunin si Salvador Panelo bilang legislative consultant

Sharon kinastigo ng netizens dahil sa pang-ookray kay Panelo; ‘wag daw masyadong ‘feeling magaling’

The post Robin Padilla, Salvador Panelo spotted sa ‘Iconic’ concert nina Sharon at Regine appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments