Nora Aunor nagpunta sa tribute para sa National Artists kahit may sakit
DUMALO ang Superstar na si Nora Aunor sa tribute para sa walong bagong hirang na national Artists nitong Miyerkules, June 29, na ginanap sa Tanghalang Nicanor Abelardo (CCP Main Theater).
Bagamat nababalitang hindi gaanong maayos ang kanyang kalusugan sa mga nakalipas na linggo ay nagtungo pa rin ito sa naturang event para personal na tanggapin ang award bilang isa sa mga bagong irang na National Artists.
Nagbigay rin ng talumpati si Ate Guy sa pagtanggap ng kanyang karangalan at nagpaliwanag kung bakit hindi ito nakadalo noon sa MalacaƱang.
“Nitong mga nakaraang araw, sinubok po muli ako ng isang karamdaman.
“At kaya hindi po ako nakadalo sa MalacaƱang ngunit nagiging malakas po ang pakiramdam ko dahil sa mga dasal ninyo,” pagbabahagi ni Ate Guy.
Nagpasalamat rin ito sa lahat ng mga taong nag-alala, nagdasal, at nagpaabot ng mensahe sa kanya.
“Salamat po sa pag-aalala at pagpaparating ng inyong mga mensahe. Utang na loob ko po sa inyo lahat ang buhay at sining na minahal niyo po sa isang Nora Aunor simula po noong nakipagsapalaran po ako na umawit at sinuong ang buhay na pelikula ilang dekada na ang nakakaraan,” pagpapatuloy niya.
View this post on Instagram
Hirit pa niya, hindi naging madali ang kanyang buhay ngunit masaya siya na patuloy siyang minahal at tinaggap ng mga tao.
“Hindi po lahat madali ang buhay na ito ngunit wala po akong maisusumbat kanino man dahil sa kabila ng lahat na hirap at kontrobersiya, patuloy po ninyo akong minamahal, at ang sining na aking inihandog sa inyong lahat,” dagdag pa ni Ate Guy.
Related Chika:
Nora Aunor itinanghal bilang isa sa mga national artists
Pelikula nina Gloria, Vilma at Nora babandera sa 1st Philippine Film Industry Month ng FDCP
Vilma inaming nagkaroon sila ng tampuhan ni Nora Aunor
The post Nora Aunor nagpunta sa tribute para sa National Artists kahit may sakit appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments