Responsive Ad

Madam Inutz ipinagtanggol ang dyowang macho dancer: Hindi ako ganu’n kabobo, hindi ako ganoon katanga para magpagamit

Madam Inutz at Tantan

“HINDI po ako gumagastos sa lalaki.”

Yan ang ipinagdiinan ni Madam Inutz o Daisy Lopez sa tunay na buhay sa gitna ng pangmamaliit at panlalait ng ilang netizens sa boyfriend niyang si Tantan.

Marami kasing nagkokomento sa kanyang social media accounts na  gagamitin at huhuthutan lang daw si Madam Inutz ng bago nitong dyowa na isang macho dancer.

Kaya naman sa pamamagitan ng kanyang YouTube vlog, sinagot ng komedyana at dating “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10″  housemate ang mga paratang ng bashers laban sa kanyang boyfriend.

Ayon sa komedyana, nasasaktan na siya sa mga nababasang panghuhusga ng mga tao kay Tantan gayung wala naman itong ginagawang masama.

Sey ni Madam Inutz, wala siyang nakikitang masama sa pagiging macho dancer ni Tantan at lalong walang karapatan ang ibang tao na husgahan ang kanyang pagkatao.

“Wala tayong karapatan (manghusga). Hindi lahat ng nagtatrabaho sa club is ganu’n karumi, is ganu’n klase ng trabaho, kumbaga, peperahan ka na,” pahayag ng komedyana.

Nagkakilala raw sila ni Tantan sa club na pagmamay-ari ni Wilbert Tolentino, ang kanyangvmanager.

Patuloy na pagtatanggol ng dating “PBB” celebrity housemare, “Alam n’yo naman si Madam Inutz is nagtatrabaho din sa bar, naging entertainer din ako.

“Pero nakita niyo kung gaano kalaki yung puso at saka pagtingin ko sa pamilya. So, ganoon kami ni Tantan. Kumbaga, nagkaroon kami ng similarity,” pagtatanggol pa niya sa dyowa.

Patuloy pa niya, “Kahit anong klase ng trabaho, hindi mo dapat ikahiya. So, hindi niya dapat ikahiya iyon at hindi ko dapat ikahiya kung saan ko nakilala.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Madam Inutz (@daisyinutz)


“Never ko ikinahiya naging entertainer ako. Never ko ikinahiya na kung ano man ang klase ng trabaho ko kasi trabaho iyan.

“At least, nagsusumikap, kumikita ng sarili nilang pera at sinusuportahan ang pamilya,” diin ni Madam Inutz.

Samantala, binasag din niya ang mga haters na nagsasabing pineperahan lang siya ng boyfriend at nagpapagamit naman siya rito.

“Hindi po tayo gumagastos sa lalaki. Nagkataon lang na kaming dalawa, mayroong similarity.

“Hindi ako ganoon kabobo, hindi ako ganoon kagago, or hindi ako ganoon katanga para magpagamit. Siguro naman nasa tamang edad na ako,” mariing pahayag ng viral online seller.

Hirit pa niya, “Baka kasi iniisip niyo sobrang pagkatanga ko, hindi ko muna kinikilala yung tao. At the moment, ini-enjoy namin yung kung ano yung samahan naming dalawa.”

Sa isang bahagi ng vlog, sinagot naman ni Tantan ang komento ng netizens na bading daw siya, “Hindi ako bayot, hindi ako bading, hindi ako paminta.

“Lalaki ako. Straight 100 percent. Di naman ako nagi-guilty kasi hindi naman totoo,” depensa ng dyowa ni Madam Inutz.

Paalala naman ng Kapamilya comedienne sa lahat ng haters nila ni Tantan, “Suporta ang kailangan ko, hindi panghuhusga.”

Madam Inutz pinayagang mag-live kahit nasa PBB House para makatulong sa pamilya

Madam Inutz naaksidente, bagong sasakyan nawasak; nagbabala sa mga nagmamaneho ng lasing

Madam Inutz puno ng pagmamahal sa kabila ng pagmumura

The post Madam Inutz ipinagtanggol ang dyowang macho dancer: Hindi ako ganu’n kabobo, hindi ako ganoon katanga para magpagamit appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments