Responsive Ad

Joem Bascon may inamin tungkol kay Piolo: Isa siya sa mga naging barkada at kaibigan ko sa showbiz

Piolo Pascual at Joem Bascon

HANGGANG ngayon ay may mga nagsasabi pa rin na malaki ang pagkakahawig ni Joem Bascon kay Piolo Pascual.

Actually, noong bago pa lang sa mundo ng showbiz si Joem, talagang marami ang nagkokomento na kamukha ay kahulma ng face niya si Piolo na sikat na sikat noon.

Kapag may mga nagsasabi nga raw sa kanya na pwedeng-pwede silang gumanap na magkapatid ni Papa P ay nahihiya siya pero habang tumatagal ay unti-unti na rin daw siyang nasasanay at nagiging proud.

Sa ginanap na presscon ng latest drama series ng ABS-CBN na “Flower of Evil” ay muling natanong si Joem kung ano’ng feeling na makakatrabaho niya uli si Piolo.

“Masaya, I mean ilang years na rin ako sa showbiz, nandito pa rin ako kahit na nandyan pa rin ‘yung sinasabing kamukha (ko si Piolo) basta gawa lang nang gawa ng trabaho, kasi hindi naman matatapos ‘yun e,” pahayag ng aktor.

Sabi pa ng live-in partner ni Meryll Soriano, sa 17 years niya sa showbiz, isa si Piolo sa maituturing niyang tunay na kaibigan dahil kahit noong nagsisimula pa lamang siya ay suportado na siya ng tinaguriang Ultimate Leading Man.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Meryll Soriano (@planetumeboshi)


“17 years, and I am happy kasi isa si Piolo doon sa mga unang nakatrabaho ko noong nag-start ako so, getting here na makatrabaho ko siya, maging barkada, maging kaibigan, masayang-masaya ako, kasi alam mo ‘yon at the end of the day, kahit anong gawin namin sa set, ganito pa rin kami, makukulit pa rin kami,” pahayag pa ng aktor.

Samantala, todo rin ang pasasalamat niya sa ABS-CBN dahil hanggang ngayon ay pinagkakatiwalaan pa rin siya at nabibigyan ng magagandang proyekto, kabilang na nga itong “Flower of Evil.”

Hindi rin daw kasi siya namimili ng project, kung alam niyang matsa-challenge siya sa role na ibibigay sa kanya at gusto niya ang mga artistang makakatrabaho niya, wala siyang problema.

“Sa akin kasi noong nag-start ako, after kong gumawa ng pelikula, gusto kong maging actor and I wanted to do different roles, I wanted to learn different characters, different personalities, ganu’n nga e ‘yung trabaho namin,” sey ni Joem.

Dagdag ng aktor, “Hindi ka natitigil sa isang character lang after ng isang karakter mo, gagawa at gagawa ka pa ng iba, kundi man buhay ng tao, bagong karakter ng tao.

“Hindi siya choice para malayo doon sa news or sa sa mga nagsasabi na kamukha ko si Piolo it’s more of a gusto ko lang umarte talaga. Same same but different,” chika ni Joem.

Ang “Flower of Evil” ay napapanood sa digital streaming na Viu App at sa iba’t ibang digital platforms ng ABS-CBN. Kasama rin dito sina Lovi Poe, JC Santos, Denise Laurel, Joross Gamboa, Agot Isidro at marami pang iba.

The post Joem Bascon may inamin tungkol kay Piolo: Isa siya sa mga naging barkada at kaibigan ko sa showbiz appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments