Responsive Ad

Ion Perez namigay ng ayuda sa mga kababayan sa Tarlac; may pa-bigas na, may pa-lugaw at libreng gupit pa

Ion Perez at Vice Ganda

MARAMI ang natuwa nang magbigay ng ayuda si Ion Perez sa kanyang mga kababayan sa Tarlac.

Napanood namin ang YouTube video niya kung saan naging busy siya sa pagre-repack ng bigas para sa mga taga-Tarlac.

Bukod sa pamimigay ng ayuda, nagpa-feeding program din siya para sa mga bata noong June 5.

Malaki ang pasasalamat ni Ion sa “It’s Showtime” host na si Vice Ganda na siyang nag-donate ng 10 sako ng bigas para sa mga kababayan niya.

May palugaw at pa-sandwich pa si Ion para sa mga kalugar niya sa nasabing province. Mismong si Ion pa ang nagtatakal para sa lugaw ng mga bata.

“Parang naisip ko lang, parang gusto kong magpa-feeding sa mga bata,” say ni Ion.

May dumating na kaibigang barber si Ion na nagbigay naman ng libreng gupit sa mga bata.

“Ito talaga ang dati kong barber. Ang galing niyan. Kahit madilim ay kaya kang gupitan niyan,” say ni Ion.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ion Valdez (@pereziion27)


Ang daming natuwa sa gesture na iyon ni Ion na mainstay pa rin ng “It’s Showtime.”

“Nakakataba ng puso panoorin na kahit ang laki na ng narating sa buhay piro di pa rin nakakalimutan kung san siya nagsimula talaga..god bless po sa inyo ni meme Vice.”

“Galing mo Ion…sana ipagpatuloy mo yang charity mo sa mga nangangailangan sa lugar mo… at i bless ka pa ni  Lord…salute u idol…Godbless.”

“Big salute sayo brod. Ion isang mahigpit na pag kamay sayo dahil hindi mo paden nakakalimutan ang tumulong sa mga nangangaylangan at lalo na sa chapter mo hindi mo paden nakakalimutan kahit na sobrang busy ka sa trabaho. Big SALUTE sayo tol from Jade community Chapter Payatas Sector.

“Makikita mo talagang may puso si Ion. Mula sa pag sasalita palang alam mo ng simple at may puso. Kaya sobrang blessed mo sa lahat ng bagay.  Di mo man makitang mataas lageng nasa baba ang paa.

“Im a fan of vice too much sobra talagang pinagtagpo kayong dalawa kasi matulungin kayo sa kapwa at simpleng tao inside heart. Godbless Ion and keep the love alive with vice.”

Pag-iibigan nina Vice Ganda, Ion Perez paano nga ba nagsimula?

Ion Perez niregaluhan ng massage chair si Vice Ganda

Vice Ganda sinorpresa ng ‘Showtime’ family; Ion nangako: Kahit sa kabilang buhay, ikaw ‘yung pipiliin ko

The post Ion Perez namigay ng ayuda sa mga kababayan sa Tarlac; may pa-bigas na, may pa-lugaw at libreng gupit pa appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments