Responsive Ad

Boyet de Leon bilib na bilib kay Ruru Madrid; cast ng ‘Lolong’ nag-iyakan matapos sumabak sa lock-in taping

Christopher de Leon, Ruru Madrid at Jean Garcia

NAKAPAG-BONDING habang nagtatrabaho ang mag-amang Christopher de Leon at Ian de Leon sa bagong primetime action-adventure series ng GMA 7, ang “Lolong”.

Kuwento ni Boyet, isang blessing para sa kanila ni Ian ang magkasama sa isang teleserye dahil makalipas ang mahabang panahon, nagkasama silang dalawa nang matagal-tagal.

Sa naganap na virtual mediacon ng “Lolong” kamakailan, naibahagi ng award-winning veteran actor ang mga naging kaganapan at mg karanasan niya sa lock-in taping.

“Mahirap ‘yung pinagdaanan namin kasi 40 days kaming on lock-in taping sa Quezon Province. There are times, maiinip ka but I get my inspiration from all of the cast members and our directors who are all so hard working.

“Walang pa-star dito, walang pasaway. We’re like a family na nagtutulungan during our lock in taping.

“Na-enjoy ko rin na magkasama kami rito sa bubble taping ng aking eldest son, si Ian. Nakapag-bonding kami while working,” kuwento ni Boyet.

Ito rin ang unang pagkakataon na nakatrabaho niya ang lead star ng serye na si Ruru Madrid at in fairness, puro magagandang salita ang binitiwan ng veteran star about his co-actor.

“Si Ruru, masarap katrabaho. He is so committed, always in character, very disciplined siya at makikita ‘yun sa work niya. You can see na mahal niya ang ginagawa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)


“Lahat ng kasama namin dito, committed sa work nila and I get my energy from them. Lahat nagtutulungan kapag may nahihirapan sa eksena,” aniya pa.

Sa kuwento ng GMA Public Affairs’ action-adventure series na “Lolong” sila ni Jean Garcia ang magiging major-major kontrabida kung saan gaganap sila bilang mag-asawang sina Gov. Armando Banzon at Donna Banzon.

Chika ni Boyet sa muling pagsasama nila ni Jean sa “Lolong”, “Ilang beses na kaming nagkasama on TV, sa ‘Kambal Karibal’, ‘Ilumina’, ‘Once Again’ and even sa movies like ‘Mano Po 3’ and ‘The Escort’.

“And always, it’s nice to work with one of the best actors in the industry. Dito sa ‘Lolong’, mag-asawa kami and it’s really nice doing scenes with him. Bale 40 days kaming magkasama sa lock-in and we all enjoyed the company ng lahat ng mga nakasama namin,” kuwento pa ng premyadong aktor.

Promise naman ni Jean, siguradong magagalit na naman sa kanya ang manonood dahil sa napakasamang role niya sa “Lolong”, “Yes, ‘yung mga nakaka-miss sa pagiging maldita ko, I’m back here full blast.

“Through the years, talagang mas nagmamarka sa viewers ang pagiging kontrabida ko since I did Madame Claudia in ‘Pangako Sa ’Yo’

“My role here in ‘Lolong’ as Donna Banzon is kabubuwisitan talaga ng tao kasi guguluhin talaga niya ang buhay ng ibang characters. Masyado siyang pasosyal, maingay, over the top, super pakialamera, so abangan nyo siya when ‘Lolong’ starts airing on July 4,” aniya pa.

Puring-puri rin ng aktres ang mga kasama niya sa serye, pati ang production staff, “Very professional and responsible silang lahat. I’m truly so proud of this group. 100 percent ang commitment nila sa project kahit inabot kami ng maraming aberya.

“I’m very proud na kasama ako rito sa show na ito. We became one community sa lock in taping namin at naging very special ito for everyone.

“There were times na gusto mong maiyak sa lungkot but we all try to be there for each other. Kaya nagkaiyakan kami nu’ng maghihiwalay na kami nang tapos na ang taping, kasi we became really close with each other,” sabi pa ni Jean.

Ruru Madrid emosyonal sa presscon ng ‘Lolong’, muntik nang sumuko: Napilay ako, napako, lahat pinagdaanan namin dito

Ruru bilib na bilib kay Kylie: Walang arte, walang reklamo…I will always care for you…

Ruru Madrid naaksidente sa taping ng ‘Lolong’, napuruhan ang kanang paa: I’m very sad…

The post Boyet de Leon bilib na bilib kay Ruru Madrid; cast ng ‘Lolong’ nag-iyakan matapos sumabak sa lock-in taping appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments