Responsive Ad

Ayanna Misola sinaniban nga ba ng ligaw na kaluluwa habang nasa shooting ng ‘Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili’?

Ayanna Misola, Diego Loyzaga at Adrian Alandy

GRABE pala ang pinagdaanan ng Vivamax bombshell na si Ayanna Misola habang nasa shooting ng pelikulang “Ang Babaeng Nawawala sa Sarili”.

Si Ayanna ang napili ng mga bossing ng Viva Entertainment para sa remake ng “Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili” na unang pinagbidahan ni Dina Bonnevie noong 1989.

Naibahagi ng sexy star sa virtual mediacon ng pelikula ang ilan sa mga challenges na kanyang hinarap bilang isang babaeng nawawala sa sarili at sinasaniban ng ligaw na kaluluwa.

“Mahirap talaga, kasi the character I play, si Albina, is possessed by a spirit and she displays three different personalities,” simulang paglalarawan ng dalaga sa kanyang role.

“First shooting day namin, habang kaeksena ko si Ava Mendez, na siyang nagpo-possess sa akin, I had an anxiety attack.

“Medyo heavy ang scene, kailangan kong mag-act na nahihirapan akong huminga, and while we’re doing it, unti-unti, biglang namamanhid ang buong katawan ko.

“But I tried na ituloy ko lang ang acting, hanggang hindi ko na kinaya, napaiyak na lang ako kasi sobrang heavy ng eksena. Nag-melt down ako,” chika ni Ayanna.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ayanna M (@ayannamisola)


Ayon naman sa director ng movie na si Roman Perez, Jr., “Natakot ako. Akala ko, sinasapian na talaga si Ayanna kasi namumutla siya, hindi makapagsalita, and when her blood pressure was checked, sobrang taas.

“Sabi ko, ‘matapos pa kaya namin ang movie?’ E, may exorcism scene pa naman kami later. We’re shooting the movie in a very old house, baka may spirit na pumapasok talaga kay Alyanna.

“Buti na lang she was revived. Nagpahinga muna kami, for two hours. Pinatulog muna namin si Ayanna to calm her down,” lahad ng direktor.

Nilinaw naman ni Ayanna na hindi siya pine-pressure ni Direk Roman,  “Wala namang nagpe-pressure sa akin. Ako lang mismo ang nagpe-pressure sa sarili ko.

“Very challenging lang talaga ‘yung role. Sobrang bigat. Si Albina kasi rito, she comes from a religious and loving family, then bigla siyang nag-iba ng personality and her parents noticed it,” sey ng dalaga.

“Yung tatlong personalities, paiba-iba talaga siya, so ang emotions ko, parang rollercoaster. Sobrang napiga ako at ang feeling ko, nawala talaga ako sa sarili ko.

“Pero natapos naman namin ang movie and I hope I did justice to the role. I gave it everything na kaya kong gawin so sana, magustuhan ng tao,” kuwento ni Ayanna.

In fairness, talaga raw pinaghandaan niya ang role sa bago niyang pelikula sa Vivamax, “I watched the original film before we started shooting. Sobrang idol ko talaga si Ms. Dina Bonnevie so when it was first offered to me, nagulat ako.

“This is really my biggest assignment to date. Na-excite ako kasi isang big project ni Ms. Dina, ipinasa sa akin? So I really prepared hard for the role.

“Una, nagpapayat ako. Then Direk Roman asked me na ipaputol ‘yung buhok ko, so I have shorter hair. I also watched a lot of previous movies of Ms. Dina to find out kung anong magandang attack ang kinakailangan for this movie.

“Actually, sobrang layo na nito sa old movie, iba ang story. Iba na ang approach. Pati sa sex scenes with my leading men, Diego Loyzaga and Adrian Alandy, this is more daring. Mas palaban.

“Alam naman natin sa Vivamax, walang limit when it comes to daring scenes, kaya mas malala ito kaysa sa anything that I have done before. Maraming shocking scenes, may orgy scene pa rito,” lahad ng sexy star.

Nangangarap din ba siya na marating ang estado ni Dina Bonnevie sa mundo ng showbiz?

“Career path? Naku, marami pa akong struggles. Hindi ako sure kung magiging mala-Dina ang career ko, pero sana nga, ganun din. Eventually, I want to be recognized as a good actress like her. And always, gusto kong mahigitan ‘yung mga nagawa ko nang roles before,” katwiran ni Ayanna Misola.
Mapapanood na sa July 15 sa Vivamax ang bagong obra ni Roman Perez na “Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili.”

Ayana Misola, Janelle Tee nagbago ba ang preference matapos ang love scenes sa ‘Putahe’?

Ayanna Misola pinaligaya ang sarili gamit ang buhay na isda; Janelle Tee walang arte-arte sa ‘lafangan’

Baguhang sexy star na si Ayanna Misola walang takot sa paghuhubad, na-challenge kay Joko Diaz

The post Ayanna Misola sinaniban nga ba ng ligaw na kaluluwa habang nasa shooting ng ‘Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili’? appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments