Responsive Ad

Aktres mas pinili nga ba si dramatic actor kaya nahiwalay sa dyowang aktor?

Aktres mas pinili nga ba si dramatic actor kaya nahiwalay sa dyowang aktor?

NOW it can be told na magkarelasyon pa ang aktor at aktres bago mag-pandemic ay talagang nangungulit na pala ang dramatic actor sa sa dalaga bagay na hindi alam ng karelasyon niya.

Aksidenteng nai-tsika sa amin ng aming source ang kuwento dahil may iba kaming topic nang mapag-usapan namin ang pelikulang ginawa ng dramatic actor at aktres bago mag-pandemic.

“Si (dramatic actor) matagal na talagang gusto si (aktres) kasi kitang-kita ng dalawang mata ko na mega sweet siya at panay ang padala ng food sa set, yes sa set hindi sa condo, ha, ha, ha.

“Hindi ko lang alam kung noon pa type na ni (aktres) si (dramatic actor) kasi lumalabas sila after the shoot, siyempre hindi na namin knows saan sila go. Pero dinig na dinig namin na nagkakayaan sila somewhere sa may malamig na simoy ng hangin,” kuwento ng aming source.

Banggit namin na magka-relasyon noon si aktres at ang aktor na inakala namin ay sa kasalan na ang tuloy.

“E, nawaley, ha, ha, ha. Si (aktres) parang naghahanap pa ng exciting part ha, haha, haha. Si (dramatic actor) naghahanap din ng nakakalokang part,” sabay kaming tumawa ng aming source.

Anyway, parang hindi mahigpit ang aktor na boyfriend ng aktres dahil nakakalayas pala siya after the shoot na siguro hindi na ito alam ng karelasyon at saka busy din kasi ang una dahil kaliwa’t kanan ang shows niya.

At dahil mahilig sa games si aktres ay niregaluhan daw ni dramatic actor ng latest na mamahaling play station.

“E, di siyempre mega check naman kami kung magkano ang playstation, kaloka umabot sa 30k (30,000). Kaya pala kilig na kilig lola mo,”sambit ng aming source.

Hanggang sa natapos na ang shooting at nagkaroon na ng lockdown dahil sa COVID-19 kaya hindi na nagkita ang dalawa.

Heto na ang exciting part ng kuwento, “pagkatapos ng shooting hindi na nagkikita kasi nga lockdown, hindi lang namin sure kung nag-uusap sa phone beke nemen.”

Kami naman ang nagbigay ng tsika na puwede at hindi na nag-uusap ang dalawa dahil noong lockdown ay magkasama sina aktor at aktres sa iisang bahay, yes nagsama ang dalawa.

In fairness masaya sila noong lockdown base sa mga pino-post nilang photos na kung anu-ano ang ginagawa nila sa loob ng bahay, pati ‘yung mga niluluto nila at iba pa. Sa madaling sabi nagbahay-bahayan ang dalawa noon.

“E, anong nangyari, bakit nakawala si girl?” balik-tanong ng aming source.

Dagdag pa,“meaning mas matulis si (dramatic actor)? Baka mas type ni (aktres) ng obstacle course kaysa straight line?”

At ipinaliwanag sa amin kung bakit nabanggit ang ‘obstacle course at straight line’ na sinang-ayunan namin. E, baka nga kasi mas ganu’n ang tipo ng aktres.

Related Chika:
Kilalang aktres nabuntis habang nasa lock-in taping, ang asawa kaya ang ama o nasalisihan siya?

The post Aktres mas pinili nga ba si dramatic actor kaya nahiwalay sa dyowang aktor? appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments