Liza Dino kay Robin Padilla: Congratulations kuya Senator! Sa wakas, maipapasa na ang Eddie Garcia Bill!
ANG Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson na si Liza Dino ang nabasa naming unang bumati kay Robin Padilla nang manguna ito sa senatorial race.
Dahil sa mataas nitong boto na as of this writing ay nananatili pa ring nasa number one slot, ay maraming tagasuporta ni Binoe ang nagbubunyi.
Nagpapasalamat si Chair Liza dahil sa pagkakahalal kay Robin at dahil dito ay umaasa siyang maipapasa na ang nabinbing Eddie Garcia Bill na may kinalaman sa mga manggagawa sa entertainment industry.
Ang magiting na senador na si Bong Revilla, Jr. ang nag-file ng Eddie Garcia Bill noon pang 2019 bilang tribute sa premyado at beteranong aktor.
Sabi nga ni Sen. Bong, “Isa si Tito Eddie sa mga haligi natin sa industriya kaya nakakalungkot na nawala sa atin ang isang buhay na alamat ng Pelikulang Pilipino. Hindi na ito dapat masundan dahil kahit kasing sikat man ni Tito Eddie o kahit yung ordinaryong manggagawa sa pelikula at telebisyon, dapat siguraduhin natin na ligtas at protektado ang lahat.
“Showbiz is not all glamour. Madami din tayong sakripisyo. Nandyan ang erratic na oras ng trabaho, mahabang shooting, tapos iba’t ibang lokasyon pa minsan kaya exposed tayo sa mga lugar at equipment na puwedeng pagmulan ng aksidente,” sabi pa nito.
Pero hanggang ngayon ay hindi pa ito naipapasa at nasa senado pa rin.
Ang nakasaad sa post ni Chair Liza kaninang madaling araw, 1:10 a.m., “Congratulations, kuya SENATOR Robin Padilla!
“Sa wakas, maipapasa na ang Eddie Garcia Bill dahil nandyan ka na sa Senado. Mula noon hanggang ngayon, ikaw ang kasangga ng FDCP para ipagtanggol ang karapatan ng mga workers!
“You have always been the silent supporter on this advocacy. Unfortunately, sa senado nabinbin ang pagsasabatas ng EDDIE GARCIA BILL.
View this post on Instagram
“But things happen in its proper time at naniniwala akong ito na ang pagbabagong hinihintay ng ating mga manggagawa para kilalanin ang mga karapatan nila.
“Nakakalungkot na ibang mga ka-industriya pa natin ang hindi naniniwala sa kakayahan mo but I bear witness to your aspirations and vision for our sector. Panahon na para magkaroon ng taong may tunay na malasakit at KATAPANGAN na sya mismong magsusulong para sa pagpapayabong ng pelikulang Pilipino.
“KEBER SA SINASABI NG IBA. Hindi ka nila kilala. Daanin mo na lang sa gawa. I’m rooting for you! I know your heart is in the right place.
“MABUHAY KA KUYA ROBIN!” ang nagbubunyi pang pahayag ni Chair Liza.
Liza umapela na sa Senado para sa pagsasabatas ng ‘End Child Rape’ bill
Eddie Garcia bibigyan ng tribute sa 23rd Far East filmfest sa Italy; 8 Pinoy movie hahataw na
Richard Yap umabot sa P500k ang hospital bill dahil sa COVID; ilang beses binangungot sa kwarto
The post Liza Dino kay Robin Padilla: Congratulations kuya Senator! Sa wakas, maipapasa na ang Eddie Garcia Bill! appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments