Responsive Ad

Arjo, Richard, Lucy, Ejay, Vico, Aiko, James, iba pang celebs nanguna sa Eleksyon 2022

James Yap, Richard Gomez, Lucy Torres at Arjo Atayde

PINATUNAYAN ng maraming celebrities na malakas pa rin ang powers ng mga taga-entertainment industry pagdating sa mundo ng politika.

Patunay na nga riyan ang pagiging number one sa senatorial race ng action star na si Robin Padilla kahit pa nga wala siyang malakas na makinarya para mangampanya.

Base sa ginaganap na canvassing of votes, as of 6:17 a.m. ngayong araw, May 10, ay umabot na sa 25.6 million votes ang nakuha ni Binoe.

Nasa ikatlong pwesto naman ang broadcaster na si Raffy Tulfo habang nag-aagawan naman sa panghuling pwesto ang mga actor-politician na sina Jinggoy Estrada (12th spot) at Herbert Bautista (13th spot).

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Juan Carlos Atayde (@arjoatayde)


Nangangamoy tagumpay na rin ang mga artistang kumakandidato sa kongreso kabilang na riyan ang first-time candidate sa 1st district ng Quezon City at boyfriend ni Maine Mendoza na si Arjo Atayde.

Nangunguna rin sa bilangan ng boto ang mag-inang Lani Mercado sa 2nd district ng Cavite at Jolo Revilla sa 1st district ng Cavite.

Pasok din sa labanan si Dan Fernandez sa lone district ng Sta. Rosa, Laguna, ang boyfriend ni Aiko Melendez na si Jay Khonghun sa 1st district ng Zambales at ang asawa ni Vilma Santos na si Ralph Recto pati na si Richard Gomez sa 4th district ng Leyte.

Number one din sa canvassing ang aktor na si Ejay Falcon bilang governor ng Oriental Mindoro at lumamang din sina Daniel Fernando at Alex Castro bilang governor at vice governor ng Bulacan.


Tulad ng inaasahan, wagi pa rin ang anak nina Bossing Vic Sotto at Coney Reyes na si Vico Sotto bilang mayor ng Pasig. Ito’y sa kabila ng mga paninira ng kanyang bashers noong nagdaang kampanya.

Winner din ang misis ni Richard Gomez na si Lucy Torres sa pagka-mayor sa Ormoc City, Leyte; Ina Alegre ng Pola, Mindoro; at ang aktor at boyfriend ni Sue Ramirez na si Javi Benitez ng Victorias City, Negros Occidental. Idagdag pa ang dating PBA player na si Vergel Meneses na nanalo rin bilang mayor sa Bulacan, Bulacan.

Tagumpay din sa pagtakbo bilang vice mayor sina Yul Servo (Manila), Dodot Jaworski (Pasig) at Gian Sotto (Quezon City).

Ilan naman sa mga artistang tumakbo sa pagkakonsehal nanalo sina Alfred Vargas at Aiko Melendez sa Quezon City pati na sina Angelu de Leon at Kiko Rustia sa Pasig City.

Hindi rin nagpatalo ang mga basketball players na sina James Yap, Paul Artadi at Don Allado, pati na ang Kapuso actor na si Ervic Vijandre, at ang boyfriend ni Sunshine Cruz na si Macky Mathay na pasok din sa pagkakonsehal sa San Juan City.

Wagi rin sina Jhong Hilario sa Makati City at sina Vandolph Quizon, Jomari Yllana at Ryan Yllana sa Parañaque City. Pasok din sa pagkakonsehal sina Lou Veloso sa Manila, Nash Aguas sa Cavite City at ang Bb. Pilipinas-Globe 2019 na si Leren Bautista sa Los Baños, Laguna.

Nanalo ring board member si Jason Abalos sa Nueva Ecija.

Marian: May anak ako kaya kailangan kong maging matatag at malakas para sa kanila

Nadia Montenegro: Hindi pala ako malakas, hindi pala ako magaling…

Herlene Budol, Buboy Villar naka-jackpot na naman; bakit pinahaba ang exposure sa ‘False Positive’ nina Glaiza at Xian?

The post Arjo, Richard, Lucy, Ejay, Vico, Aiko, James, iba pang celebs nanguna sa Eleksyon 2022 appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments