Ryan naglabas ng ‘resibo’ para patunayang istrikto pa rin ang ‘Eat Bulaga’ sa paglaban sa COVID-19
Ryan Agoncillo
ILANG araw nang nagla-live ang “Eat Bulaga” sa APT Studios at halos kumpleto na nga ang mga Dabarkads na nagpapasaya sa mga manonood tuwing tanghali.
Sinisiguro naman ng buong production na sinusunod ng lahat ng host na nagre-report sa studio ang ipinatutupad na safety at health protocols ng gobyerno.
At para masiguro ang kaligtasan ng mga “Eat Bulaga” Dabarkads, lahat ay kailangang sumalang sa COVID-19 swab testing, kasama na ang production staff.
Papapasukin lamang sila sa studio kapag nagnegatibo ang resulta ng kanilang test.
Kamakalawa, ibinahagi ng isa sa mga host ng Kapuso noontime show na si Ryan Agoncillo ang proseso bago sila makapasok sa APT Studios.
Sa kanyang Instagram stories, ipinakita ni Ryan sa isang video clip ang isinasagawang swab testing ng management bago sumalang sa trabaho.
Mapapanood sa video ang isang medical personnel na nakasuot ng PPE na siyang nag-swab test kay Ryan.
“So ganito ang Dabarkads ngayon bago pumasok sa studio, swab testing muna.
“Kahit bakunado na lahat, kailangan sumusunod pa rin sa protocols para lahat protektado,” pahayag ng mister ni Judy Ann Santos.
Ipinakita rin ni Ryan sa kanyang mga IG followers ang negative result ng kanyang swab test kaya naman pwedeng-pwede na siyang pumasok sa kanilang studio.
Kung matatandaan, sa isang episode ng longest-running noontime program sa Pilipinas, ipinagdiinan ng veteran TV host-comedian na si Vic Sotto na istrikto nilang sinusunod ng production ang kailangang pag-iingat para walang mahawa ng COVID-19.
“Katulad ng sitwasyon natin ngayon (sa Eat Bulaga), less than 30 percent workforce na lang yung nagre-report sa studio para kontrolado ang bilang ng mga pumapasok.
“Pero kahit na may antigen o RT-PCR test kami dito sa Eat Bulaga, hindi pa rin maiiwasan na maharap kami sa panibagong pagsubok ng pandemya,” paniniguro pa ni Bossing.
Bakit hindi natatanggap noon sa mga TV commercial si Ryan Agoncillo?
Maja naiyak sa pa-birthday surprise ng Eat Bulaga: Ang sarap maging Dabarkads!
The post Ryan naglabas ng ‘resibo’ para patunayang istrikto pa rin ang ‘Eat Bulaga’ sa paglaban sa COVID-19 appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments