Responsive Ad

Sharon Cuneta sa pagsabak sa politika: Tatakbo ako…palayo!

Sharon Cuneta sa pagsabak sa politika: Tatakbo ako…palayo!
Boy Abunda, Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan

MARAMI ang pumipilit at nangunumbinsi kay Megastar Sharon Cuneta na pasukin na rin ang politika tulad ng asawang si Sen. Kiko Pangilinan.

Naniniwala ang ilang supporters ni Ate Shawie na kayang-kaya niyang gampanan nang maayos at buong-tapang ang pagseserbisyo sa mga Pilipino.

Sa panayam ng “Fast Talk with  Boy Abunda” kay Mega, diretsahan siyang tinanong kung kino-consider ba niya ang sumabak na rin sa mundo ng politics.

Hirit na sagot ng showbiz icon, “I would consider running away from politics. Tatakbo ako palayo.”

Katwiran ni Sharon, hinding-hindi niya ipagpapalit ang ilang dekadang career at buhay niya sa entertainment industry sa buhay-politika.

“I love my life. I love that I’m able to make people happy, thousands at a time in concerts, TV shows, movies. It’s a gift. I take care of it. 

“I love the work that I have. I love singing. I love working with actors new and people I worked with before, new directors. 

Baka Bet Mo: Kiko Pangilinan inamin ‘multo’ sa life: I’d rather be dead than irrelevant

“I become family on the set with everybody I am working with. It’s special to me so I wouldn’t trade it for a life in politics, no, it’s a horror story,” paliwanag pa ni Ate Shawie.

Kahit daw lumaki at nagkaisip siya sa pamilya ng mga politiko, sa pangunguna ng kanyang namayapang ama na si Mayor Pablo Cuneta, never talaga siyang nasilaw sa mundo ng politics.

“Ako ‘yung outsider. Outlier. Since I was about 20 (tinatanong na ako kung tatakbo). No. My husband is more well-equipped for that,” aniya pa.

Patuloy pa niya, “Sa showbiz it is so understable na iba-iba ang taste ng tao. ‘Yung iba Sharonian, ‘yung iba hindi. 

“Okay lang, pag meron kaming pagkakamali, hindi naapektuhan ‘yung buong bayan. 

“Kapag ang politiko nagkamali, may maaapektuhan usually daang libo, milyon and that’s a very big responsibility. 

“And I may have the smarts. I may have the heart for it. Ang lagi kong sinasabi, I will never have the stomach for it,” saad pa ng nag-iisang Megastar.

Samantala, mapapanood na sa Prime Video ang pinakabagong serye ni Sharon na “Honor Thy Mother” simula September 11.

Makakasama niya rito sa unang pagkakataon ang Kapuso Primetime Drama Princess na si Barbie Forteza.

The post Sharon Cuneta sa pagsabak sa politika: Tatakbo ako…palayo! appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments