Responsive Ad

Sylvia Sanchez emosyonal sa nominasyon nina Krystel at Earl sa Urian 

Sylvia Sanchez emosyonal sa nominasyon nina Krystel at Earl sa Urian  
Krystel Go, Earl Amaba at Sylvia Sanchez

PROUD na proud ang award-winning actress na si Sylvia Sanchez nang mapili sina Krystel Go at Earl Amaba bilang mga nominado sa Gawad Urian 2026.

Nominated as best actress si Krystel at best actor naman si Earl para sa kanilang naging performance sa Metro Manila Film Festival 2025 entry na “I’mPerfect.”

Ang Nathan Studios na pag-aari ng pamilya ni Sylvia ang nag-produce ng pelikula na nagwaging Best Picture sa MMFF 2026 Gabi ng Parangal na nagbigay din ng Best Actress award kay Krystel.

Sa panayam ng BANDERA kay Sylvia, ang ma-nominate lang sa Gawad Urian ay isa nang winning moment para sa buong Nathan Studios, lalo na sa lead stars ng kanilang pelikula.

Pero ang palagi raw niyang ipinaaalala kina Krystel, Earl at sa iba pang cast members ng “ImPerfect” na may mga down syndrome, huwag mag-expect na mananalo dahil magagaling at deserving din ang lahat ng mga nominado.

Sa Facebook page ni Ibyang, ni-repost niya ang artcard ng pagiging nominee nina Krystel at Earl sa Urian Awards.

Aniya sa caption, “Napakagandang regalo sa birthday mo, Nak Krystel, ang Best Actress nomination mo sa Gawad Urian.

“Alam ko kung gaano ka nagsikap para makarating dito. Nakita ko kung paano mo ibinigay ang puso mo sa bawat eksena, kung paano ka natutong maniwala sa sarili mo, at kung paano mo hinarap ang bawat hamon nang hindi sumusuko.

Baka Bet Mo: MMFF 2025 Best Actress Krystel Go sa bashers: Never po akong lumaban sa ganu’n 

“Kaya sobrang proud ako sa’yo. Hindi lang dahil nominado ka, kundi dahil nakita kong pinatunayan mo sa sarili mo na kaya mo. 

“Kaya mong makipagsabayan sa pinakamagagaling. Kaya mong ipakita na ang talento mo ay karapat-dapat makita, marinig, at kilalanin.

“Deserve na deserve mo ito, Nak. And as someone who has been blessed to witness your journey, this nomination makes me incredibly proud to call you my Best Actress.

“Congratulations, Krystel, and happiest birthday! Keep dreaming, Nak. I’ll always be proud of how far you’ve come and even more excited for how far you will go.

“Love you!

“Thank you, Gawad Urian, for this recognition!” ang buong mensahe ni Sylvia.

Sa isang hiwalay na post, mababasa naman ang saloobin ng premyadong aktres at producer sa pagbibigay importansiya sa kanilang pinaghirapang pelikula.

“Malaking bagay sa amin na ma-nominate sina Krystel Go for Best Actress and Earl Amaba for Best Actor. 

“More than inclusion, this is a recognition of their raw talent, hard work, and heart as artists.

“Beyond disability and labels, Krystel and Earl remind us that what truly matters is the talent, passion, and truth they bring to their craft.

“Proud and grateful. Congratulations, Krystel and Earl!” sey pa ni Sylvia Sanchez.

The post Sylvia Sanchez emosyonal sa nominasyon nina Krystel at Earl sa Urian  appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments