‘Piso per parcel’ na pakulo ni Rosmar Tan sa negosyo ilegal – DOLE

ILEGAL umano ang paandar na “piso per parcel” ng social media personality at negosyanteng si Rosmar Tan.
Iyan ang naging pahayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) matapos makatanggap ng liham mula sa isang law professor na nagtanong tungkol sa naging pakulo ni Rosmar.
Nitong nagdaang Agosto, nag-post si Rosmar sa Facebook ng announcement kung saan naghahanap siya ng mga gustong kumita sa pamamagitan ng pagbabalot ng parcel.
Babayaran niya ang mga tatanggap sa naturang trabaho ng “piso per parcel”.
“Kung tambay kayo at need na peraaaa kung maka 10k parcel kayo per day edi may 10k kayo.”
“Mga taga-balot ni Master Chinee, per tao within 8 hrs nakaka-700-1000 parcels. Imagine mo, above minimum basta mabilis ang kilos,” she wrote, adding that a worker who could pack 2,000 parcels a day could earn P2,000,” ang post ni Rosmar.
“Pwede nyo sama buong pamilya para madami kayo. Ung mga gusto lang wala pong pilitan. Mga walang work na gusto rumaket,” aniya pa.
Inalmahan naman ito ng maraming netizens kabilang na nga ang law professor na si Josiah David Quising na talagang sumulat sa DOLE para itanong kung legal ba ang ginagawa ni Rosmar.
“Last August 21, I sent an inquiry to DOLE regarding Rosmar’s piso per parcel post. A few days ago, DOLE finally responded and affirmed that what Rosmar did was illegal,” ang pahayag ni Quising.
Baka Bet Mo: Rosmar Tan inayos na ang P1-per-parcel job matapos ma-bash: ‘Minimum rate na!’
Batay sa patakaran ng DOLE, sa ilalim ng Article 101 ng Labor Code of the Philippines, dapat i-regulate ng kalihim ng ahensiya ang pasweldo batay sa resulta at iba pang non-time work, kabilang na ang pantay at makatwirang wage rates.
“In addition, the Omnibus Rules Implementing the Labor Code provide that all workers paid by results, including those who are paid on piecework, takay, pakyaw, or task basis, shall receive not less than the applicable statutory minimum wage rates prescribed for the normal working hours, which shall not exceed eight hours work a day, or a proportion thereof for work of less than the normal working hours.”
Dapat daw ay kuwentahin ang wage rates para sa “workers paid by results” sa pamamagitan ng mga sumusunod:
1) Amount of increase in AMW [Applicable Minimum Wage] – Previous AMW x 100 = % Increase
2) Existing rate/piece x % increase = increase in rate/piece
3) Existing rate/piece + increase in rate/piece/ = Adjusted rate/piece. Where AMW is the applicable minimum wage rate
Sabi ng DOLE , ang mga manggagawang “paid by results” ay dapat tumanggap nang hindi bababa sa pinaiiral na “statutory minimum wage rate” sa kanilang rehiyon para sa karaniwang oras ng pagtatrabaho.
Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag ni Rosmar hinggil sa isyung ito.
Ngunit base sa ilang komento na nabasa namin, ipinagtanggol din nila si Rosmar at sinabing naniniwala sila na walang masamang intensiyon ang content creator sa kanyang ginawa dahil sigurado sila na nais lamang nitong makatulong.
In fairness naman kay Rosmar, matapos umani ng iba’t ibang reaksyon online ang una niyang anunsyo na P1 kada parcel ang bayad ay inayos na rin naman agad niya ito.
“Para lahat happy? Uuwi lahat na may minimum na rate. Yes! Kung below minimum rate ang nabalot mo mag uuwi ka pa rin ng MINIMUM RATE. Pero kapag sobra sa minimum rate ang nabalot mo makukuha mo pa rin ang sosobra. At ang pinakamaraming mabalot per day may BONUS pa!” sey ni Rosmar sa kanyang Facebook post.
Ibig sabihin, kahit hindi umabot sa itinakdang minimum ang halaga ng mga parcel na nabalot ng isang worker, makukuha pa rin nito ang minimum rate.
The post ‘Piso per parcel’ na pakulo ni Rosmar Tan sa negosyo ilegal – DOLE appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments