Responsive Ad

Negi naospital, Ogie Diaz humirit: Kelan ang gender reveal?!

Negi naospital, Ogie Diaz humirit: Kelan ang gender reveal?!
Ogie Diaz at Negi

KAHIT naospital ay nagpasabog pa rin ng katatawanan at good vibes ang Kapamilya comedian-host na si Negi.

Hindi napigilan ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz na biruin ang kanyang kaibigang si Negi habang naka-confine sa St. Luke Medical Center sa Quezon City.

Sa Facebook post ni Negi  nitong nagdaang Linggo, September 13, ibinahagi niya ang kanyang litrato habang nakahiga sa hospital bed.

“3rd day Salamat Sa Mga Doctor ko, at Normal na Lahat super Tnx din AXA Philippines ate Heart Ortega sana Makauwi Na Bukas,” ang caption ng komedyante sa kanyang Facebook post.

Wala namang nabanggit ang komedyante na dahilan kung bakit siya na-confine sa ospital. 

Sa comments section ay nag-iwan naman ng nakakalokang mensahe si Ogie na nagpatawa sa mga netizens.

“Palakas nang bonggang-bongga, mare! Workaholic ka din kasi eh. 

“Anyway, let me know kung kelan ang gender reveal,” post ni Mama Ogs.

Hindi naman ito pinalampas ni Negi at naki-ride sa punchline ni Ogie, “Hahahaha Excited Na ako sana Mabuo Na Sya.”

Narito ang ilang reaksyon ng mga netizen sa palitan ng message ng dalawang komedyante.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz rumesbak sa chikang ‘paggamit’ kay Kim Chiu

“Di yan mangyayari. bakla kayo. wala kayong matris. mga ungas.”

“Parang nanganganak Pala Yan madam.”

“Sapat na tulog din Negz, baka mauna kapa Kay ate Gay.”

“Natagtag si ate negi.”

“Mabuong tae ba yan?”

“Praying for healing and recovery Ate Negi.”

The post Negi naospital, Ogie Diaz humirit: Kelan ang gender reveal?! appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments