Responsive Ad

Kim Chiu agaw-pansin sa tila lumalaking ‘tummy’, buntis na nga ba?

Kim Chiu agaw-pansin sa tila lumalaking 'tummy', buntis na nga ba?
PHOTO: Instagram/@chinitaprincess

WALA pang anunsyo si Kim Chiu tungkol sa umano’y pagbubuntis niya pero naniniwala ang lahat nasa interesting stage ang TV host-actress.

Dahil halos lahat ng nakakapanood ng “It’s Showtime” episode nu’ng isang araw ay hindi na maitago ang lumalaking tummy ni Kimmy na kahit naka-suit at may suot siyang paraphernalia na sling bag at naka-boots katabi sina Darren Espanto, Ryan Bang, at Ogie Alcasid.

Sa kanyang social media account, ibinandera ni Kim ang video clips na naglalakad siya ng dahan-dahan nang tawagin siya at kahit sa paghataw ay hindi na todo.

Nabasa namin sa comments ng Facebook account ni Kim mula sa netizen na si Eljie Marie, “Buntis yata talaga c Kim Kasi ingat na ingat na Siya kumilos Ngayon di gaya ng dati na parang kiti2 ang energy.”

Baka Bet Mo: Kim Chiu sa mga binaha dahil sa Habagat: ‘Do we really deserve this?!’

Mula kay Shilo Samson, “Bantayan nyu pag lagi na ganyaan pormahan nang Kim nyu alamz na.”

Maraming komento na halos iisa ang sinasabi na halatang buntis at binabati na ng congratulations ang TV host-actress.

May nakausap din kami na taga-ABS-CBN, “Malaki ang puson ko, pero bakit parang mas malaki ang tummy ni Kimmy?”

Kaya tanong namin agad, “Buntis ba?”

“Siyempre parang hindi naman magandang sa akin manggaling, observation lang naman, hayaan n’yo na lang si Kimmy ang magsalita kung totoo o hindi. ‘Wag nating pangunahan lola mo, baka ma-’Bela Padilla’ pa ako n’yan,” tumawang sagot ng aming kausap.

Matatandaang inispluk ni Bela sa panayam niya sa isang programa na nagpa-freeze ng eggs si Kim dahilan kaya nagkaroon ng falling out bilang magkaibigan ang dalawa.

Katwiran ng ilang dikit kay Kim ay bakit inunahan ni Bela ang kwento, e, hindi naman niya istorya ito.

Anyway, kung nagpa-freeze o hindi si Kimmy ay mahalaga pa ba iyon kung sakaling buntis siya? 

Bukas naman ang BANDERA sa panig ni Kim Chiu o ng kampo niya tungkol sa tsikang buntis siya.

The post Kim Chiu agaw-pansin sa tila lumalaking ‘tummy’, buntis na nga ba? appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments