Responsive Ad

Kara David mas hinangaan pa ni Marites Odarbe, hindi nandiri

Kara David mas hinangaan pa ni Marites Odarbe, hindi nandiri
Marites Odarbe at Kara David

MAS tumaas pa ang paghanga ng book author at motivational speaker na si Marites Odarbe kay Kapuso broadcast journalist Kara David.

Hinding-hindi raw malilimutan ni Marites, na 30 years nang nakikipaglaban sa Parkinson’s disease, ang naging pagtrato sa kanya ng news anchor at Kapuso TV host. 

Nakasama ni Kara si Marites sa isang episode kanyang “I-Listen” podcast kung saan mas makikilala pa ng madlang pipol ang manunulat at author ng libro.

Sa kanyang Facebook page, nag-post si Marites ng mga litrato ni Kara na magkasama at magkayakap.

Aniya sa caption, “I would understand talaga kung nandiri si Ms. Kara David dito kasi naman super nag-excessive sweating na ako.

“Super naglaway as in drooling to the max, naghalo pa sa amoy ng langis na panghilot,” ang pahayag pa ni Marites.

Dugtong niya, “Can you imagine (ako kasi wala na ring sense of smell e) the smell but still look at her embrace.”

Baka Bet Mo: Kara David na-starstruck kay Vice: Napahanga ako nang marinig ko siya!

Sa comments section ay nag-iwan naman ng mensahe si Kara sa kanya.

“Naku, bakit naman ako mandidiri? Sobrang kahanga-hanga po kayo Ma’am Maritess.

“You are an inspiration. Saludo sa inyong tatag!” ang papuri pa ni Kara kay Marites.

Tatlong dekada nang nakikipaglaban sa Parkinson’s disease ang book author at ginagawa niya ang lahat para mas maging kapaki-pakinabang ang kanyang buhay sa bawat araw.

Ayon sa National Institute of Neurological Disorders and Stroke, ang Parkinson’s disease ay isang disorder ng nervous system na naaapektuhan ang paggalaw ng isang taong meron nito at mas lumalala pa sa paglipas ng panahon. 

Pinapahina nito ang nerve cells sa bahagi ng utak na napipinsala kalaunan at namamatay.

Ilan sa mga symptoms ng kundisyon na ito ay pagkakaroon ng problema sa paggalaw o pagbalanse ng katawan, hindi makontrol na panginginig ng kamay, o kaya’y paninigas.

The post Kara David mas hinangaan pa ni Marites Odarbe, hindi nandiri appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments