Responsive Ad

Heart Evangelista pak na pak sa bikini; pinatunayan pagiging classic sa NYFW

Heart Evangelista pak na pak sa bikini; pinatunayan pagiging classic sa NYFW
Heart Evangelista

PAK na pak ang mga ready-to-wear couture na inirampa ng Kapuso star nansi Heart Evangelista sa katatapos na New York Fashion Week (NYFW).

Agaw-eksena ang OOTD ng Filipina global fashion icon at influencer sa pagrampa sa NYFW – ang kanyang street style as Love Marie. 

But more than the bonggang-bongga at pasabog na outfits, pansin na pansin ng kanyang fans ang mas chill at fun na Heart Evangelista.

Pinusuan at ni-like ng sandamakmak na netizens ang mirror bikini selfie ni Heart na anila’y isang patunay na palaban din ang aktres sa pagpapaseksi sa social media.

Naaliw din ang fans sa post ni Heart na, “Tara. Wag kang maarte.’ Sama na” kalakip ang kanyang pasabog na photos. Kuha ‘yun ng mga friend niyang nakasama sa NYFW.

Komento ng netizens, hindi raw ito ang dating Heart – mas raw ang mga post niya ngayon and unfiltered. Walang arte at enjoying every moment sa katatapos na New York Fashion Week kung saan dumagsa sa Manhattan ang mga malalaking fashion celebrities and leaders mula sa lahat ng sulok ng mundo.

Sinasabing ang NYFW edition every September ang pinakamasaya lalo na’t maraming malalaking celebrity matapos ang finals ng US Open.

Si Heart ay dumalo sa NYFW spring/summer 2027 na nag-umpisa nito noong September 10.

Baka Bet Mo: Heart Evangelista: Wala naman akong kaibigan, basta may pera OK na ‘ko

Bukod kay Heart, kabilang din ang Tennis star na si Alex Eala sa mga rumampang Pinoy doon. Ganu’n din ang Pinay model na si Kelsey Merritt. 

Mas eventful ang season na ito dahil sa pagbabalik ng mga sikat na designer, at pagrampa ng mga sikat na personalidad sa runway.

Ang mga event sa NYFW ay idinaraos sa iba’t ibang lokasyon sa limang borough ng New York. Sa season na ito, ginanap ang fashion shows sa mga kilalang lugar sa Manhattan tulad ng The Plaza at The Rainbow Room, pati na rin sa Flushing Mea¬dows Corona Park sa Queens, at Storm King Art Center.

Consistent ang imbitasyon kay Heart sa malalaking fashion event sa buong mundo.

Kabilang sa mga inirampa ni Heart sa New York ay ang Carolina Herrera classic dress – at aniya “classic doesn’t mean boring.”

Aniya, “Being classic is being remembered. Being timeless is being yourself.”

Pak na pak din ang collection ng Cult Gaia, isang contemporary luxury and designer lifestyle brand na kilala sa artistic and sculptural pieces nito at ang Cos na ready-to-wear pati na ang accessories na very classic at hindi nawawala sa uso ang mga design.

Ang Prabal Gurung designs na isang Nepalese American fashion designer nanaka-base sa New York City.

Inirampa rin niya ang luxury fashion brand Simkahi originally started in New York City in 2010 na ngayon ay naka-base na sa Los Angeles, California.

Ang ganda rin ng mga creation ni Christian Cowan na isang sikat na fashion designer na British pero nakabase sa New York, na kilala sa kanyang high-octane glamour, bold maximalism, and dramatic silhouettes.

Habang ang mga gawa ni Sandy Liang na kilala sa pagpasimuno ng “downtown coquette” na aesthetic, pati na rin sa pagbibigay-pugay sa nostalgic at hyper-feminine girlhood. Idagdag pa riyan ang paandar na mga pieces from Tory Burch.

Una nang naiulat na ang artist-entrepreneur ay opisyal na ngang pumasok sa kanyang jeweler era — a proof that Heart’s fashion influence goes beyond wearing stylish and expensive clothes.

At patok ang kanyang jewelry designs na nagiging statement pieces kaya sold-out agad ang mga ito.

Bago siya dumalo sa September edition ng NYFW ngayong taon, dinaluhan niya ang Paris at Milan Fashion Weeks, kung saan agaw-pansin siya, naging usap-usapan, at nag-trending worldwide.

The post Heart Evangelista pak na pak sa bikini; pinatunayan pagiging classic sa NYFW appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments