Responsive Ad

Sassa Gurl: Hindi pa ako ipinapanganak, katulong na si Mama

Sassa Gurl: Hindi pa ako ipinapanganak, katulong na si Mama
Sassa Gurl

IPINAGMAMALAKI ng content creator at movie personality na si Sassa Gurl ang tapang at katatagan ng kanyang inang single mother.

Proud na proud na ikinuwento ni Sassa kung paano siya minahal, inalagaan at pinalaki ng nanay niya na ginawa ang lahat para mabigyan siya ng magandang buhay.

Sa panayam ni Kara David para sa video podcast nitong “I-Listen”, nagbahagi si Sassa ng ilang chika tungkol sa inang si Gng. Esther na nagtrabaho bilang kasambahay.

“Hindi pa ako pinapanganak, katulong na si Mama. Si mother kasi, umalis siya sa kanila 16 years old pa lang. Galing siyang Samar. 

“Gusto niya kasing magtrabaho dito sa Maynila hanggang sa napunta siya sa bahay kung saan nakatira yung Papa ko. Tapos yung Papa ko kasi, parang yung may-ari ng bahay, kamag-anak ng Papa ko,” pagbabahagi ni Sassa.

Hirit na biro ng social media at movie personality, “Na-thirst trap niya ang Papa ko. Ayon na, ako na ‘yon (naging anak).”

Baka Bet Mo: Sassa Gurl binugbog ng kaklase, pinagtripan sa school dahil beki

Sey ni Sassa, hindi niya naiintindihan nu’ng una ang trabaho ng kanyang ina bilang kasambahay. 

“Noong una, kasi siyempre, parang ano ako, lumaki ako doon. Ang mga tawag ko sa mga tao sa bahay ay ‘Tito,’ ‘Tita’, so hindi ko na siya naramdaman. Hindi ko naramdaman.

“Pero minsan, nakikita ko na siya yung nagluluto, naglalaba. Eventually, na-gets ko na rin na may trabaho pala rito si Mama. Okay na-realize ko na kasambahay siya,” lahad pa niya.

Patuloy pa niya, “Walang mali doon. Wala rin akong nakitang parang ikahihiya ko. Naintindihan ko naman.”

Natatawang inamin ni Sassa na noong estudyante pa lamang siya ay nagpapanggap daw siyang sila ang may-ari ng bahay na tinitirhan nila at hindi niya rin sinasabi sa mga kaklase na kasambahay ang kanyang nanay.

“Sa school, may mga time na gusto ko magpaka-social climber. Ang sinasabi ko, ‘Kami ang may-ari ng bahay na ‘yan!’ ganon! May mga ganoon akong moments sa buhay na parang feeling ko yaman-yamanan ako.

“Eventually naman, nasabi ko na rin sa kanila, at saka natanggap ko na rin naman sa sarili ko na wala namang masama d’yan (sa pagiging kasambahay). Naikuwento ko na rin naman sa kanila yung totoo.

“Hindi ko ino-open up kasi noong college, wala rin namang pumupunta sa bahay. Naglakas ng loob na akong ikwento ito sa mga mga tao noong nagtatrabaho na ako at nalaman ko na ang power ng pera. 

“Kasi yung nanay ko, kahit hindi siya nakapag-aral, nakakagawa siya ng pera. So, naging proud talaga ako sa storya na ‘yon at gusto ko talaga siya ikuwento kahit saan,” sabi pa niya.

Habangbuhay daw niyang ipagmamalaki ang ina, “Yung nanay ko napagtapos niya ako ng college sa pagkakasambahay at single mom lang siya.”

The post Sassa Gurl: Hindi pa ako ipinapanganak, katulong na si Mama appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments