Sassa Gurl nag-sorry kay AC Bonifacio habang nag-iinuman: Napasobra!

AMINADO ang content creator at movie personality na si Sassa Gurl na napasobra ang pagiging komportable niya kay AC Bonifacio.
Agad namang tinanggap ni Sassa Gurl ang kanyang pagkakamali sa nangyaring presscon ng pelikula nilang “Saving Cherry” na pinagbibidahan ni Barbie Forteza under Regal Entertainment.
Kasama rin nila sa movie sina Mikee Quintos, Mika Salamanca, Khalil Ramos at JC Alcantara.
Feeling ng vlogger, talagang na-hotseat si AC nang magbigay siya ng side comment habang nagsasalita si AC sa naturang mediacon.
Ito yung eksena kung saan buong-ningning na sinabi ni Sassa kay AC na, “O, naloka ka sa mga Kapuso ‘no? Walang plastikan ‘no!?”
Sa panayam kay Sassa ng “Think Talk Tea” podcast hosted by Direk Kring Kim, napag-usapan nga ang tungkol sa isyu kabilang na ang pambebengga kay AC.
“Oh my god! Ate AC, pasensya ka na,” ang simulang chika ni Sassa.
Pagpapatuloy niya, “Day one ng promo ng ‘Saving Cherry’ nasa likod kami. Nasa backstage pa lang kami, hindi pa kami pumupunta dun sa may stage. Sabi ni Mikee, ‘Paano magiging chikahan natin?’
Baka Bet Mo: Sassa Gurl inupakan ng netizens dahil sa ginawa kay AC Bonifacio, nag-sorry
“Sabi ko, ‘Tara, maging chaotic tayo,’ agree sila! So, ako todo ko siyempre as an influencer itotodo ko ‘to day one, e!” sey ng vlogger.
Ang Sparkle actress na si Mikee raw ang nag-suggest na gawin nilang topic ay ‘yung naging mga eksena sa inuman session nila.
Patuloy ni Sassa Gurl, “E, napa-komportable ako, akala ko nasa inuman lang kami nag-uusap. E, itong si AC, isa siya sa mga talagang kabiruan ko talaga, alam mo ‘yun tatlo kami niyan sa dressing room, ako, si AC, at si JC na nagbabaklaan.
“Ang naloloka ako parang nu’ng oras na ‘yun sabi ko kay AC parang sabi ko, ‘O, naloka ka sa mga Kapuso ‘no, ganyan, ganyan. Walang plastikan ‘no, ganyan, ganyan.
“Naloka ako, kasi, oh my gosh ‘yung banter ko parang napasobra. Kasi, biruan na namin ‘yung mga ganiyan humor sa backstage, medyo may pagka nakakaloka. E, nadala ko sa stage,” pag-amin ng komedyante.
Pagse-share pa ni Sassa, nu’ng nag-inuman daw sila uli pagkatapos ng presscon ng “Saving Cherry” nalaman nilang nagba-viral na ang kanyang statement.
“Ending nag-trending ang mga bakla. Nu’ng gabi na ‘yun nag-inuman kami, so, pumutok din ‘yung issue nu’ng gabi na ‘yun. So, nakikita na namin may mga talak, talak.
“Siyempre, nag-sorry ako kay AC, kasi parang napasobra, kasi sa totoong buhay naman hindi naman lang ako maba-bash du’n, maba-bash din si AC talaga. Tsaka, mas maba-bash siya kesa sa akin.
“Sabi niya, okay lang naman daw sa kanya parang hindi naman daw ganu’n kalalim, ang OA lang daw ng mga tao. Siyempre, ako, to me hindi siya OA. Kumbaga na-haggard ko pa rin si ate (AC) so talagang nag-sorry talaga ako,” sey pa niya.
The post Sassa Gurl nag-sorry kay AC Bonifacio habang nag-iinuman: Napasobra! appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments